"Mam Aliya kaya nyo po yan!"
"Konting tiis nalang Mam"
Chinicheer ako ngayon ng mga tao dito dahil nandito ako ngayon sa loob ng kulungan ng baboy nagwawalis ng cheberlu nila. ANG BAHO! hawak ko ngayun ang hoss at walis tingting.
"Ang arte mo naman bilisan mo na dyan!" Narinig kong sigaw ni Gabriel.
"Eh ikaw kaya dito!" Sinigawan ko naman sya pabalik.
"Malapit ng mag dilim bilisan mo na para makauwi narin sila" sabi nya pa.
Tiningnan ko sya ng masama at halatang halata sakanya na nageenjoy syang makita akong super haggard at nahihirapan.
"Sasabunutan talaga kita paglabas ko dito!" Sinigawan ko naman sya dahilan para matawa lahat ng taong nandito.
"Baklang to" pabulong ko sa sarili ko.
"Hayyy sa wakas" natapos din ang paghihirap ko grabe ang baho sobra feeling ko di ako huminga buong oras na nandoon ako.
Pabalik na kami ngayon ni Gabriel sa bahay at ihahatid nya raw muna ako. Bigla syang huminto sa paglalakad at parang may sinisinghot. Maya maya pa nagsalita na sya "Ang baho, amoy baboy" tapos tiningnan nya ako at yung ilong nga nakakunot.
Walangya kang bakla ka. Dahil dyan kinurot ko ang bewang nya at napa aray naman sya.
Naconsious tuloy ako kaya inamoy ko din yung sarili ko. GOSH amoy baboy nga. Tumawa naman sya sa ginawa ko.
"Anong tinatawa tawa mo dyan?!"
"Oh diba amoy baboy?"
Langya ka kung di ka lang pogi eh.
"Nandito na tayo at maligo kana"
"Oo na! Oo na! Lumayas kna dito, baklang to"
"Anong sabi mo?"
"Wala sabi ko ang gwapo mo"
Oops.
"Maganda ka rin kahit amoy baboy ka." Tapos ngumiti sya at umalis na
Anu raw? Holy water ano raw? Ene be yen
Natapos na akong maligo at mag pabango ng bongga. 7pm na nanggabi, medyo boring kasi walang tv at kahit radio man lang.
"Apo maghapunan kna muna" sabi skin ni Lola, andito kami ngayon sa sala at nasa bintana lang ako nakaupo.
"Maya na po La, pwede ho bang maglakad lakad muna sa labas? Gusto ko ho kasing magpahangin muna" paalam ko.
"Sige apo basta's huwag kang lalayo"
Lumabas na ako ng bahay. Hmm where to go? Sa sobrang lawak ng lupain namin dito parang di ko alam kung saam ako pupunta. Nagsimula na akong maglakad at nililibot ko ang mata ko para makahanap ng pwesto at ayun na nga, may nakita akong napakalaking puno na nagiisa malayo medyo sa manggahan at palayan.
Pumunta ako doon at naupo. Hinandig ko yung likod ko sa puno saka nagmuni muni.
Kung nasa manila ako siguradong nasa club ako ganitong oras. Namimiss ko na gumimik kasama sina Sam at Liam, naalala ko tuloy nung nanuod kami ni Sam ng car racing tapos natalo si Liam sobrang nanghinayang ako sa pera nun parang nabagsakan ako ng langit ng mga panahong yun, balak ko kasing bumili ng sariling condo ko para mapalayo sa madrasta ko. Nagsimula ang plano kong yun nung narinig ko silang naguusap ni Dad na uuwi na daw yung anak nung stepmom ko galing U.S at dun na titira sa bahay. Feeling ko napagkaisahan ako, hindi na nila ginalang ang memories ni mommy sa bahay na yun.
Namimiss ko na si mommy, kahit pa wala naman akong memories kasama sya. Di ko namalayan na napaluha na pala ako, never kong naexperience yung may tinatawag na mommy. Ang sakit, dahil kahit sobrang mahal ako ni Dad feeling ko kulang parin, feeling ko hindi parin sapat.
![](https://img.wattpad.com/cover/159303631-288-k542200.jpg)
BINABASA MO ANG
Tagpuan (Completed)
Romance#1 in the philippines? Wow Salamat po!!!! Sa wakas may ranking na ang TAGPUAN sa ibat ibang categories :) THANK YOU SA MGA NAKABASA NA AT MAKAKABASA PALANG NG ISTORYA NINA GABRIEL AT ALIYA 😙 RANK #40 in Tagalog #66 in Romcom #1 LoveFiction Meet Al...