TGWHATE [1]

3.6K 135 12
                                    

TGWHATE [1]

*Blag*

Nag-umpisa na naman na magtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Dahan dahan kong sinulyapan ang wrist watch ko, hindi na ako nagtaka kung anong oras na ngayon…

Nanginginig akong tumayo sa kwarto ko at unti-unting tinungo ang pintuan…

Nag-aalangan pa ako kung bubuksan ko ba ito o hindi pero kahit na sobra sobra na ang kabang nararamdaman ko ay ginawa ko paring buksan ito…

Unti-unti kong sinilip ang kabuuan ng kusina at sala….

Hanggang sa may nakita akong anino sa may pintuan, habang may lumilipad na kurtina doon.

Unti-unti kong kinusot ang mata ko at sa pagtingin ko…

Isang batang lalaki ang nasa harap ko na ngayon…

Hindi ako makahinga, gusto kong tumakbo pero sa tuwing iisipin ko na wala din naman akong matatakbuhan…

Ipinipikit ko na lamang ang mata ko at nagdadasal na hindi ito totoo, na maglalaho lang din sila.

Pero mukhang mali ang ipinagdasal ko dahil sa pagdilat pa lang nang mata ko ay nakita kaagad nito ang isang duguang bata na nagmamakaawa na tulungan ko siya…

Kahit na natatakot na ako sa kalagayan ko ngayon E hindi ko parin sila magawang tanggihan kasi tulad ko, kinailangan ko din ng tulong noon…

Umupo ako para makapantay ko yung bata…

Bumuntong hininga muna ako bago kinausap siya…

“Paano ba kita matutulungan?” tanong ko.

The Girl who had a Third Eye [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon