TGWHATE [26]

1.6K 56 1
                                    

TGWHATE [26]

“The Fuck” kanina pa mura ng mura itong si Tobby dahil kanina pa talaga may sumisiksik saamin. Bakit ba naman kasi nakasakay sa Bus na puno na pala yan tuloy nakatayo kami.

“Tobby. Kahit magmura ka pa ng magmura dito E, hindi ka makakaupo noh.” Sabi ko.

“And why?”

“Dahil  pare-pareho lang naman tayong  mamamayan na sumasakay ng pampublikong sasakyan. Bakit president ka ba para paupuin sa komportableng upuan.”

Inirapan na lamang niya ako atsaka inilihis ang tingin saakin. Ayan kasi ayaw niya pang mag-taxi ah… nakatayo ka tuloy ngayon…

Natawa na lamang ako at saka tumingin sa paligid. Huminto ang Bus, naku mukhang magsasakay pa si Kuya at hindi nga ako nagkamali, may sumakay pa nga…

Ang lalaki ng mga katawan nito at marami ding mga tattoo. Napatingin ako kay Tobby na ngayon ay mukhang nandidiri sa mga itsura nang mga kakasakay lang. Lumapit siya saakin…

“Bakit?” tanong ko.

“Wala. Gusto ko lang tumabi sayo.” Sabi niya.

Binigyan ko lang siya ng makahulugang tingin. “Huwag mong sabihin na natatakot ka sakanila?”

“And why should I? Remember I’m Tobby Grane”

“At ano naman ngayon kung ikaw nga si Tobby Grane?”pang-asar na tanong ko sakanya.

“Ibig sabihin wala akong kinatatakutan maliban sa isa”

“Ano naman iyon?”

“Bacteria”

The Girl who had a Third Eye [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon