TGWHATE [36]
Napahinto ako sa pag-iyak nang marinig ko ang nagsalitang iyon. Iginala ko ang paningin ko sa loob ng auditorium pero wala naman akong nakitang ni kahit isa na tao o kahit anino man lang nito.
Huminga muna ako nang malalim bago ulit hinanap ang boses na iyon, baka may tao talaga dito at kailangan ko lang hanapin ng maigi. Hindi ko na ininda ang mga multong nakikita ko sa paligid, ang mahalaga ay mahanap ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
“Wala ka padin talagang pinagbago.” Sabi ulit ng boses na iyon.
Napalunok ako sa sinabi niya, pamilyar ang boses nito saakin at parang narinig ko na ito dati.
Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at naglakas loob na hanapin ang boses na nagsalita, ngunit kakatayo ko pa nga lang ng nakita ko ang lalaking kakatayo pa lang sa may gilid ng stage.
“Long time no see.” Nanuyo ang lalamunan ko nang masilayan ko ang lalaking nagsalita.
“G-Glenn Craig?”
Lumapit pa siya ng sobrang lapit saakin at tsaka ngumiti nang kakaiba.
“Yes. My Princess Mhaan. Long time no see, mas lalo kang gumanda ngayon.” Napayuko na lang ako sa harap niya. Hindi ko alam kung paano ba ako makakakuha ng lakas ng loob para kausapin o tingnan man lang ang lalaking ito na minsan nang bumuo ng pagkatao ko.
“B-Bakit k-ka n-nandito?” utal utal na tanong ko. Narinig ko pa siyang tumawa ng mahina.
“I have a reason, that’s why.”
“P-Pakana mo ba ito?” napa-palakpak siya sa narinig niya mula saakin.
“Wala ka parin talagang pinagbago, alam na alam mo parin talaga kung paano ako gumalaw. Yes, I plan this. Do you like it?” nanginginig ang kamay kung tumingin sakanya, gusto ko siyang suntukin sa magkabilaang pisngi para naman maramdaman niya yung galit ko.
“Sa tingin mo natuwa ako sa ginawa mo?” inis na sambit ko.
BINABASA MO ANG
The Girl who had a Third Eye [Completed]
RandomKailan ko kaya mararanasan ang isang maayos at magandang pamumuhay?. Pagod na pagod na ako sa buhay ko, ayoko na nang ganito. Ayoko nang makakita nang mga bagay bagay na hindi nakikita ng iba, ayoko na silang makita. Can someone save my life, Is the...