TGWHATE [18]
“Akin na nga yang Cellphone mo.” Sabi saakin ni Tobby matapos namin makaalis doon sa tambayan nila.
“Bakit? Saan mo naman gagamitin ang Cellphone ko?” tanong ko. Nakakapagtaka kasi.
“Stop asking question. Just give me your goddamn Cellphone.” Grabe talaga itong lalaking ito… Nakakatakot siya, mas nakakatakot pa siya sa multo. Wala akong nagawa kundi kunin ang Cellphone ko sa Bag at ibinigay sakanya.
Nang makuha na niya ay may pinindot siya doon tapos after nun ay may bigla na ding tumunog… Kalaunan binigay niya na din pabalik saakin ang Cellphone.
“I call you after class.” Aniya at ibinigay na saakin ang Cellphone ko.
Naglakad na din naman siya palayo saakin… Tiningnan ko lang siya habang naglalakad palayo saakin. Ang saya niya ata…
Naglakad na lamang ako ulit papunta sa Classroom ko dahil panigurado ay late na ako nito…
Pagkapasok ko pa lang sa room ko ay napansin ko na kaagad ang tinginan saakin ng mga tao, nagbubulong bulungan sila.
“Siya yung babae kanina.”
“Siya yung babaeng inaabangan ni Tobby sa may gate diba?.”
Napapikit na lamang ako nang marinig ko na mukhang ako na naman ang pinaguusapan nila, dumiretso ako sa upuan ko at nagkunyareng nakikinig kahit na wala ang isip ko sa professor.
Haisst si Tobby ang may kasalanan nang lahat ng ito E. ano kaya kung iwasan ko na lang iyon? Pero hindi pwede siya lang ang makakatulong saakin…
Haisst ano na ang gagawin ko, napatingin ako sa mga kaklase ko, ang sama na ng tingin nila saakin. Kung makatingin sila E parang papatayin na nila ako. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko E.
Kinuha ko kaagad ang cellphone ko dahil nakarinig ako ng tunog galling dito. Pagkatingin ko E si Hunter lang pala ang nagtext.
‘Sabay na tayo maglunch. Wait kita sa Cafeteria’
Hindi pa naman ako pwedeng pumasok doon, ano kaya ang magandang idahilan dito kay Hunter.
‘Hunter, kumain na ako. Ikaw na lang.’ reply ko.
Hinintay ko nang ilang minuto ang reply niya kaso wala na akong natanggap kaya ibinalik ko na lamang ang cellphone ko sa loob ng Bag ko.
“Class dismissed” mabilis na nagsitayuan angmga kaklase ko at lumabas ng classroom samantalang ako naman ay naiwan lamang doon. Ilang minuto pa ang lumipas nang makapagdesisyon ako ng pumunta sa dati kong tambayan, nagbabakasakali na nanduon si Jasmine at sabihin saakin ang dahilan kung bakit ayaw niya pang umakyat sa langit.
BINABASA MO ANG
The Girl who had a Third Eye [Completed]
RandomKailan ko kaya mararanasan ang isang maayos at magandang pamumuhay?. Pagod na pagod na ako sa buhay ko, ayoko na nang ganito. Ayoko nang makakita nang mga bagay bagay na hindi nakikita ng iba, ayoko na silang makita. Can someone save my life, Is the...