TGWHATE [17]

1.7K 62 2
                                    

TGWHATE [17]

Maaga ako pumasok sa school, samantalang si Hunter naman ay sumabay na saakin. Hindi na niya dinala ang kotse niya dahil malapit lang naman ang school namin sa bahay kaya walking distance lamang ang tatahakin namin.

“Mhaan saan ka nanggaling kagabe? Bakit hindi kita nakita sa kwarto mo?” tanong niya saakin.

“Ha.” Patay, ano sasabihin ko nito sakanya.

“Ano? Huwag mong sabihin na may nangugulo na namang multo sayo kaya ka nawala kagabe?”

Naiyuko ko na lamang ang ulo ko at mabilis na tumango. Napabuntong hininga siya sa ginawa ko.

“Sana ginising mo ako para nasamahan kita, mamaya kung napahamak ka pa Edi ako ang nalagot kay Mom” aniya.

“Sorry Hunter.” Inirapan na lamang niya ako at mabilis na naglakad palayo. Ang tampuhin talaga nang lalaking ito, sabagay hindi ko din naman siya masisisi dahil nagaalala lamang siya saakin.

Sinundan ko siya kaso nagpakita na naman saakin si Jasmine.

“Ano na naman?” may pagkairita na bati ko sakanya.

“Sinundan kita kagabe.” Matipid na sagot niya

“Alam ko, nakikita ka ng vision ko E.”sagot ko naman.

Ngumiti lamang siya saakin. Mabilis akong napatingin sakanya. “Jasmine may itatanong ako sayo.” Sabi ko.

“Ano yun?”

“Bakit hindi ka pa umaakyat sa taas? Ano pa ba ang kailangan mo dito sa lupa?” nagtataka lang ako kasi ilang lingo ko na din kasi siyang kasama E.

Napangiti Siya sa tanong ko at mabilis na tinuro ang Coffe shop na nasa gilid namin. Haist ito na naman tayo sa panlilibre sakanya.

The Girl who had a Third Eye [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon