TGWHATE [16]

1.7K 60 4
                                    

TGWHATE [16]

Princess Mhaan POV

 

Halos madaling araw na pero hindi pa din ako makatulog, ano ba ang pu-pwede kong gawin para lang mawala itong mga iniisip ko…

Napahawak ako sa labi ko, naalala ko na naman ang nangyare kanina sa labas ng restaurant. Hindi ko malaman kung matutuwa ba ako o maiinis pero ang mas nangingibabaw saakin ay saya. Hindi ko lang alam kung bakit?

Napatingin ako sa may salamin na nasa kwarto ko at-

“L-Leslie?” bulalas ko nang masuri ko kung sino iyong nakatitig saakin sa may salamin.

Unti-unti siyang lumapit saakin, samantalang ako naman ay nanginginig habang tinitingnan siya… Nakakatakot talaga siya.

Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa may binubulong na naman siya saakin. Napatingin ulit ako sakanya, seryosong seryoso itong nakatingin saakin, na para bang kailangan niya talaga nang tulong.

Napabuntong hininga na lamang ako at mabilis na kinuha ang jacket sa may cabinet ko at sinundan si Leslie. Tumingin tingin pa ako sa labas ng Sala baka kasi nakaabang si Hunter at hindi ako paalisin.

Nang masuri ko namang wala siya ay nagpatuloy na din ako sa paglabas ng bahay..

Mga ilang minuto din kaming naglakad hanggang sa dalhin niya ako sa isang talahiban.

“Ano ba ang gagawin natin dito?” may tinuro lamang siya na direksyon at pumunta na din naman ako doon pero bakit parang may kakaibang amoy akong naaamoy?

Ano yung amoy na iyon? Hinanap ko kung saan nanggagaling ang amoy na iyon hanggang sa-

Bigla na lang tumulo ang luha ko sa nakita ko, may nakita akong isang katawan. Napatakip ako ng bibig nang Makita ko ang puro pasa na babae, habang wala nang malay na nakahiga sa talahiban na iyon. Puno din siya ng mga saksak.

The Girl who had a Third Eye [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon