TGWHATE [3]

2.3K 95 9
                                    

TGWHATE [3]

Tobby POV

“Anong nangyare sayo at basang basa ka? Naligo ka ba nang kape.” Pambungad saakin ni Brandon…

Sinamaan ko lamang siya ng tingin…

“Okay. Okay. Ito na yung pinapakuha mong damit. HB kaagad E.” umupo na siya sa couch ng mini room na ito. Tambayan ang tawag namin dito. Kinuha ko naman kaagad ito. “So sino ang may gawa niya sa Evil na si Tobby?” tanong niya.

“Yung baliw na babae na tatanga tanga.” Tumayo na ako at pumunta sa direksyon papuntang CR.

“Ha. Sino yun? Akala ko one of your girls na naman.” Aniya.

Binato ko lamang siya ng unan na nahawakan ko at sinabihang “GAG*”

Tumawa lang siya ng tumawa habang nakatingin saakin. Hindi ko na lamang siya pinansin at agad na pumasok sa CR.

Mabilis lang akong nagbihis para makapasok na sa klase namin, panigurado galit na naman si Ms. Marikar Katigbak nito saamin. Siya pa naman ang pinaka-gusto ko sa lahat ng Prof namin dahil sa bukod sa maganda ito ay ubod pa ito ng sexy.

“Talagang binilisan mo ah, na-miss mo na ba ang prof mo na ubod ng sexy?” sabi saakin ni Brandon ng makalabas na ako.

“Ulol. Tara na at papagalitan na naman ako nun.” Sagot ko.

Ngumisi lang siya saakin…

Naglalakad lang kami sa may hallway nang may nakita kaming tatlong babae na parang may binubully doon. Teka oras ng klase ngayon ah, bakit nasa labas sila?

Lalagpasan ko na sana yung mga babae kaso nang tingnan ko kung sino yung binu-bully nacurious ako.

The Girl who had a Third Eye [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon