TGWHATE 12
Hindi ko alam kung ilang minuto ba akong nanatili sa loob ng Ice cream parlor na iyon, pinapaalis na nga ako ng mga empleyado kaso hindi ko magawang gumalaw sa kinatatayuan ko dahil sa nararamdaman ko ang mga multo na pinapalibutan na ako.
Kanina pa ako iyak ng iyak at nagbabakasakali na bumalik si Tobby ang kaso-
“Hoy Crazy Bitch. Ano pang hinihintay mo diyan?” napatingin ako sa lalaking sumigaw habang galit na galit na tumingin saakin.
Mas lalo akong naiyak nang Makita ko siya..
“Sir, kanina pa po siya iyak ng iyak dito. Bute nalang at dumating kayo” ani noong isang empleyado.
Napatayo ako at mabilis na niyakap siya…
Hindi ko alam kung ano ba ang reaksyon niya sa ginawa ko pero kahit na alam kong magagalit siya sa ginawa ko, alam kong ito lang ang paraan para mawala itong takot sa dibdib ko.
Unti-unti akong napadilat at sa pagdilat ko ay naglaho na ang mga multo, napatingin din ako kay Tobby na ngayon ay gulat na gulat sa inasal ko…
“A-Alis” aniya nang magtagpo ang mga mata naming dalawa.
Unti-unti na din akong kumakawala sa yakap niya…
“So-Sorry”
Inirapan lamang niya ako at mabilis na naglakad paalis, wala akong ginawa kundi ang hawakan ulit ang dulo ng damit niya, napatingin lang siya saakin pero nginitian ko lamang siya.
“B-Bakit mo naman kasi ako iniwan doon?”tanong ko nang makaalis na kami sa loob ng Ice Cream Parlor.
“Because you’re so noisy, di ko kaya ang bunganga mo. Kung ano-ano na ang lumalabas.” Aniya
BINABASA MO ANG
The Girl who had a Third Eye [Completed]
RandomKailan ko kaya mararanasan ang isang maayos at magandang pamumuhay?. Pagod na pagod na ako sa buhay ko, ayoko na nang ganito. Ayoko nang makakita nang mga bagay bagay na hindi nakikita ng iba, ayoko na silang makita. Can someone save my life, Is the...