TGWHATE [20]

1.7K 57 3
                                    

TGWHATE [20]

 

Tobby POV

“Alam mo ba kung bakit naging ganito ang buhay ko?” nilingon ko kaagad si Crazy Bitch dahil sa sinabi niya.

“What do you mean?” napangiti siya ng matabang atsaka umupo sa bench na nadaanan namin. Bute na lang at tumila na ang ulan.

“Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ganito ang buhay ko?” seryoso siyang napatingin saakin.

Hindi ako nagsalita sa sinabi niya, bagkus nakinig lang ako.

Napapikit siya sabay may nakita akong isang butil ng luha sa mukha niya.

“Tatlong taon, tatlong taon akong nakakakita ng mga multo, tatlong taon akong hindi makatulog, tatlong taon akong hindi makapunta sa lugar na gusto ko. Tatlong taon akong nagtiis na kasama sila, kaya ngayon. Ang hirap hirap na ipakita o ipaalam sa ibang tao na nahihirapan ako. Na nahihirapan ako sa sitwasyon ko.” Huminga siya ng malalim at saka ulit nagsalita.

“Kahit saan ako magpunta, kahit may araw man o wala lagi silang nasa tabi ko. Lagi ko silang nakikita. Hindi sila mawala sa paningin ko…”tumingin siya saakin atsaka mabilis na ngumiti…

“Pero ngayon hindi na…” napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

“May tao nang kayang tumulong saakin, may tao nang pwede kong pagtaguan sa tuwing nakikita ko sila, may tao nang pwedeng magparamdam saakin ng totoong mundo, may tao nang kayang ilayo ako sa mga multong tinatakasan ko…”

Nakita kong unti-unti niyang itinataas ang mga kamay niya papunta sa mukha ko. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko? Teka? Anong ginagawa niya?

Ngumiti siya ng malapad saakin atsaka tuloy tuloy na tumulo ang luha niya.

“Alam mo ba kung sino yung taong pwedeng tumulong saakin?”

Napalunok ako sa inaakto niya… Pero sa kabila nun ay gusto kong marinig ang sasabihin niya, gusto ko marinig.

“Ikaw” nakangiti niyang sambit saakin… Para akong nabingi sa sinabi niya…

“What?”

“Ang sabi ko ikaw lang ang taong makakatulong saakin, ikaw lang.”

“Pero paano?”

“Hindi ko din alam kung paano- Ang alam ko lang, kapag hawak ko ang kamay mo o kahit ano pa man sayo. Bigla silang nawawala, nawawala ang takot ko, ngayon lang ako nakakita ng katulad mo.”

Bigla kong itinabil ang kamay niya na nakahawak sa pisnge ko. Nababaliw na ba siya?

“Are you crazy?”

Napayuko siya sa sinabi ko…

The Girl who had a Third Eye [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon