TGWHATE [48]
“Tobby sandali lang, ang sakit na kasi ng kamay ko.” Pagrereklamo niya saakin.
“I thought ito ang gusto mo, yung mahawakan man lang ang kahit na dulo ng daliri ko.” Sabat ko naman sakanya.
“Ou, inaamin ko gusto ko iyon pero hindi sa ganitong paraan.” Napangisi ako at tsaka padabog ko siyang binitawan.
“So sa papaano palang paraan mo gusto? In romantic ways ba?.” Sarcastic na sambit ko habang ngumingisi ng mapakla sakanya.
Natahimik na lamang ito sa sinabi ko.
“Ano nga ulit ang pangalan mo? Mhaan ba? Iyon kasi ang narinig ko kay Brandon. Tama ba Mhaan?”
Nakita ko ang kaba sa mata niya at mabilis na tumango.
“So Mhaan, hanggang kalian mo ba ako titigilan sa kakabuntot mo?”
“Hindi kita titigilan hanggat hindi mo din ako magustuhan.” Nagigting ang panga ko dahil sa sinabi niya.
“Mapapagod ka lang Mhaan.” Sagot ko dito.
“H-Hindi ako mapapagod kung ikaw naman ang hahabulin ko.” Matapang na sagot niya. Mukhang ayaw niya talaga magpatalo saakin.
Naipikit ko ang mata ko dala ng frustration at tsaka seryosong tumingin sakanya. “Please Just Stop. Ayoko lang na Makita kang nasasaktan, I don’t want to hurt a woman feeling. Just stop.”
“Pero ok lang naman saakin ang masaktan.”
“Hindi ok saakin iyon, ang saktan ang mga babae ay parang sinasaktan ko na din ang kapatid ko. I know mahihirapan ka, pero masasanay ka din.”
Nakita ko ang pangigilid ng luha sa mata niya.
BINABASA MO ANG
The Girl who had a Third Eye [Completed]
RandomKailan ko kaya mararanasan ang isang maayos at magandang pamumuhay?. Pagod na pagod na ako sa buhay ko, ayoko na nang ganito. Ayoko nang makakita nang mga bagay bagay na hindi nakikita ng iba, ayoko na silang makita. Can someone save my life, Is the...