TGWHATE [33]

1.4K 49 0
                                    

TGWHATE [33]

“Tobby naman dalian mo.”tawag ko sakanya.

“Bakit ka ba kasi nagmamadali E si Brandon lang naman ang pupuntahan natin?”iritang pahayag niya.

“Ano ka ba, kanina pa naghihintay iyon No.” sagot ko naman sakanya. Siya kasi ang may kasalanan nito, ang dami dami niya kasing inuutos saakin. Ayan tuloy late ako sa usapan namin ni Brandon na magkita sa coffee-shop.

Pagkarating namin doon ay nakita kaagad namin si Brandon na may kinakalikot sa cellphone niya habang umiinom ng café.Naunang maglakad saakin si Tobby ako naman ay nakasunod lamang sakanya, nang makaupo si Tobby ay sumunod na din ako. Doon ako pumwesto sa harap ni Brandon dahil seryoso itong mga itatanong ko sakanya.

“Let’s order.” Mala-awtoridad na sabi ni Tobby. Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Brandon sa sinabi niya, pero dahil sa ako ang slave dito, malamang ako ang inuutusan niyan. Tatayo na sana ako kaso bigla nang tumayo si Brandon.

Ngumiti muna ito saamin atsaka sabing “Ano order niyo? Ako na.”aniya. Napangiti na lamang ako atsaka ko sinabi ang order ko, samantalang si Tobby ay napairap sa inasal ni Brandon pero napakamot lang nang ulo ito.

Nang makaalis si Brandon e binigyan lang ako nang napakasamang tingin ni Tobby atsaka padabog na kinuha ang cellphone niya at may pinaglaruan doon. Tsk. Ibang klase din itong lalaking ito, siya na nga lang nakikisama sa usapan ng iba siya pa ang may ganang umasta nang ganito. Haist.

Kalaunan nakarating na din naman si Brandon, isa isa niyang ibinigay saamin ang inorder namin, nang makaupo siya ay siya na kaagad ang umunang magsalita.

“Bakit mo nga pala ako tinawagan Mhaan?” nagtatakang tanong niya saakin.

Inihinto ko muna ang paginom ko ng café atsaka siya hinarap.

“A iyon ba, kasi kanina nasabi saakin ni Tobby na may kilala kang Jasmine?”

Natigilan siya sa sinabi ko na animoy hindi niya inaasahan na manggagaling iyon saakin… Napatingin muna siya kay Tobby na walang ginawa kundi ang maglaro sa cellphone niya atsaka tumingin saakin.

The Girl who had a Third Eye [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon