TGWHATE [30]
“Saan ba kasi tayo pupunta Tobby? At tsaka ang haba naman ng heels na ito, ang sakit sa paa” pagrereklamo ko.
“Will you fuckin shut up.”
“Paano naman kasi ako mananahimik E ang sakit sakit kaya nitong sandals na ibinili mo saakin.”
“Alam mo Crazy Bitch hindi ko na talaga alam kung may machine gun ba yang bibig mo. Napa ka-ingay.” Aniya.
“Mas Ok na din naman yung saakin. Atleast saakin machine gun E yung sayo, CURSING MACHINE.”matatawa matawa kong asar sakanya.
Sinamaan na naman niya ako ng tingin. Sabi ko nga manahimik diba? Ayan na mananahimik na ako. Nakakatakot na naman kasi si Tobby. Hindi na nga ako magsasalita…
Nakita kong tumigil siya sa isang restaurant kaya tumigil na din naman ako. Humarap siya saakin at mabilis na lumapit. Noong una nagtataka ako, may inilabas siyang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang pawis na tumatagaktak sa mukha ko.
“Be calm ok. Sagutin mo lang ang mga tanung nila, don’t worry mga Pilipino naman yung mga iyon basta maging komportable ka lang. HA.” Nagtataka talaga ako sa kanya.
Kinuha niya kaagad ang kamay ko at kaagad na ipinulupot sa braso niya. Naku kanina wala siyang paki-alam saakin ngayon naman ay grabe siya kung magpakilig. Naku kung hindi ko lang talaga master ang lalaking ito, malamang kanina pa ako nag-walk out sa sobrang taas ng heels na pinapasuot niya saakin.
Pagkapasok namin sa loob ng Restaurant E may pamilyar kaagad akong babaeng nakita sa loob nun.
Hindi ba si Jenny iyon, yung kasa-kasama niya sa school. Napatingin ako kay Tobby, para siyang kinakabahan sa mga mangyayari. Naramdaman ko din ang paghigpit nang kapit niya sa kamay ko.
“Goodevening.”bati niya doon sa kasama ni Jenny, bakit feeling ko E pamilya niya itong mga ito.
Ngumiti na lang din ako atsaka ngumiti. Napatingin ako kay Jenny, ang sama nang tingin niya saakin at nagtataka din siya kung bakit kami magkasama.
BINABASA MO ANG
The Girl who had a Third Eye [Completed]
RandomKailan ko kaya mararanasan ang isang maayos at magandang pamumuhay?. Pagod na pagod na ako sa buhay ko, ayoko na nang ganito. Ayoko nang makakita nang mga bagay bagay na hindi nakikita ng iba, ayoko na silang makita. Can someone save my life, Is the...