TGWHATE [13]
Maaga ako nagising dahil papasok na naman ako. Haisst. Bakit pa kasi kailangan nating mag-aral E. Ano ba naman yan. Nakakatamad.
Pumasok kaagad ako sa Cr at ginawa ang mga ritual ng mga babae…
Nang matapos ako ay mabilis ko na lang ulit kinuha ang Bag ko, nilock ang pinto at nag-umpisa nang maglakad.
Katulad ng nakagawian ay nakayuko lamang ako habang nakabalandra ang Bangs na natatakpan ang noo ko, nakalugay lang din ang buhok ko…
Nang makarating ako sa school E tahimik ko lamang nilandas ang room ko kaso nakakapagtaka lang dahil bakit parang may pinagkakaguluhan ang mga estudyante, may bago bang dumating? O bisita?.
Iniling iling ko na lamang ang ulo ko at nagpatuloy sa paglalakad. Nakakalungkot talaga, nasaan na kaya iyong si Tobby. Namimiss ko na yun E.
Pagkapasok ko sa classroom ko E, halos wala ang mga estudyante pero nanduon naman ang mga Bag nila, nasaan naman kaya iyong mga yun. Napatingin ako sa may pisara, may mga kung ano-anong nakasulat doon kaya tumayo na muna ako at binura iyon, naglinis na din ako ng room dahil sa tingin ko ay matatagalan pa iyong mga iyon.
Nang makarinig ako ng mga ingay galing sa labas ay mabilis na lamang akong umupo sa upuan ko at kunyare ay nagbabasa, ayokong Makita nila ako na nakatayo sa harapan ng klase at naglilinis. Alam kong magiging iba na naman ang magiging tingin nila saakin.
“Nakita mo ba yung kasama ni Tobyy. Grabe ang ganda niya.” Iyan kaagad ang bumungad saakin pagkapasok noong mga kaklase ko.
“Ang ganda ganda niya. Ang balita ko kaya daw hindi pumasok si Tobby noong nakaraang lingo ay dahil sa pinuntahan niya sa ibang bansa ang babaeng iyon.”
Napalingon ako sa direksyon noong mga kaklase kong naguusap dahil nakuha nila ang atensyon ko. Ito pala ang pinagkakaabalahan niya noong nakaraang lingo, kaya pala kahit saan ko siya hanapin E hindi ko talaga siya Makita.
Haisssst. Nakakainis naman…
BINABASA MO ANG
The Girl who had a Third Eye [Completed]
RandomKailan ko kaya mararanasan ang isang maayos at magandang pamumuhay?. Pagod na pagod na ako sa buhay ko, ayoko na nang ganito. Ayoko nang makakita nang mga bagay bagay na hindi nakikita ng iba, ayoko na silang makita. Can someone save my life, Is the...