TGWHATE [14]

1.8K 61 5
                                    

TGWHATE [14]

Mabilis ang oras na lumipas noong araw na iyon. Nag cut na din ako ng Class nun dahil sa nakaramdam ako nang antok at feeling ko E babagsak na nang tuluyan ang mata ko.

Pagkalabas ko nang bahay ko E may nakita akong itim na kotse ang nakaparada sa labas nang bahay namin.

Baka naligaw lang…

Nagpatuloy na lamang ulit ako sa paglalakad kaso binusinahan ako noong kotse paglingon ko ay may nakita akong isang lalaki doon na nakasumbrero habang seryosong nakatingin saakin.

Pamilyar saakin ang porma niya kaya unti-unti ko itong nilapitan kaso- mukhang hindi naman siya yung kakilala ko kaya iniling ko na lamang ulit ang ulo ko at nagsimulang maglakad nang bigla niya akong hilain at yakapin.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

“Na-miss kita.” Teka-Teka- Teka.

Napatingin ako sa lalaking yumakap saakin at ganun na lamang ang ngiti ko nang Makita ko si Hunter..

“H-Hunter?” tumango tango siya.

“Yes ako nga.” Lumapad ang ngiti ko nang makumpirma kung siya nga.

“Kailan ka pa nakabalik?” tanong ko.

“Ngayon lang. infact ilalagay ko na sana ang gamit ko diyan sa bahay mo kaso naisip ko. Ihahatid muna kita.” Sabay kindat saakin.

“Ok sige ba.” Pinagbuksan niya pa ako ng pinto para pasakayin doon sa sasakyan niya. Baliw talaga itong lalaking ito. Nang makasakay ako E sumunod na din naman siya.

“So kamusta na nga pala ang Princess Mhaan ko?”nakangiting tanong niya.

“Eto wala pa ding pinagbago. Prinsesa pa din nang mga multo.” Sagot ko.

The Girl who had a Third Eye [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon