TGWHATE [44]

1.3K 40 1
                                    

TGWHATE [44]

“Tobby!” napadilat ako sa boses ni Brandon.

“What?” singhal ko sakanya.

“N-Nasa baba si Mhaan.” Napatayo kaagad ako dahil sa sinabi niya. The fuck, anong ginagawa ni Mhaan ng ganito ka-aga?

Bumaba kaagad ako sa kwarto at pinuntahan si Mhaan… Nakita ko siyang nakakunot ang noo habang ang taray ng aura niya.

“Ang aga pa A.” pambungad ko sakanya.

Inirapan niya lang ako atsaka tumingin sa tabi ko na which is si Brandon.

“I’m not here for you, kailangan ko lang makausap si Brandon.” Aniya. Nagtataka akong tumingin kay Brandon pero mukhang pati siya ay nagulat.

“B-Bakit mo naman ako hinahanap?” nagtatakang tanong ni Brandon.

“May pupuntahan tayo, dalian mo! Maghihintay ako dito sa Sala manghiram kana lang muna ng damit kay Tobby.” Aniya.

Napakamot na lamang ng ulo si Brandon at mabilis na sinunod ang sinabi ni Mhaan, ako naman ay pumunta sa Sala kung nasaan siya. Nakita kung umirap pa siya sa nakikita niyang kalat sa Sala namin na punong puno ng alak.

“Disgusting!” narinig kung bulong niya.

“Saan ba kayo pupunta ni Brandon?” asik ko sakanya. Shit! Nakaramdam ako ng sakit sa ulo…

“It’s none of your business Tobby!”

Biglang nawala ang sakit sa ulo ko dahil sa sinabi niya saakin… Sa pagkakatanda ko, kahit isang beses hinding hindi ako nasasabihan ng mga ganito ni Mhaan noon…

Kahit isang beses hindi sumagi sa utak ko na may ugaling ganito si Mhaan..

The Girl who had a Third Eye [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon