TGWHATE [49]

1.3K 40 2
                                    

TGWHATE [49]

[THIRD PERSON POV]

 

Itinanggal ng isang lalaki ang shades niya ng makita niya ang pamilyar na tao na nakangiti habang tumitingin sakanya. Lumapit siya dito habang hila-hila ang isang maleta na galling pa ng US.

“Tobby!” masiglang bati noong lalaki.

Ngumiti naman din siya at tsaka nagsalita. “Brandon.”

“Wow. After ng 5 years ang laki na ng pinagbago mo.” Aniya habang sinasabayan sa paglalakad si Tobby.

“Yeah. You too.” Tipid na sagot ni Tobby. Pagkalabas nila ng airport ay mabilis na inilagyan ni Tobby ang gamit niya sa likod ng kotse ni Brandon.

“Go to Kyrelle office.” Napangiti naman kaagad si Brandon sa sinabi ni Tobby at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Hindi nagtagal ay nakarating nadin kaagad sila sa Kompanya nila Kyrelle, kaagad silang pinapasok ng Makita noong guard ang nakangiting mukha ni Brandon.

“Kamusta ang business niyo Tobby ok naman ba?” biglang tanong ni Brandon habang naghihintay ng Elevator.

“Yeah. After ko bisitahin si Kyrelle, didiretso kaagad ako sa office.” Sagot ko naman.

“Woah. Believe na talaga ako sayo, balita ko may nakuha kang award sa US.”

“Yeah. Top 10 Business Man in the world.”

Napapapalakpak naman kaagad si Brandon at hinampas ng mahina ang kaibigan. “I’m proud of you.”

Napa-iling iling na lamang ng ulo si Tobby at kaagad na pumasok sa elevator. Puro lamang  kwentuhan ang nangyare saknila sa loob ng elevator. Biglang tumunog ang elevator, hudyat na nakarating na sila sa palapag kung nasaan si Kyrelle.

Panay ang titig ng mga empleyadong nadadaanan nila at sabay magbubulong-bulungan. Hindi na lamang nila pinansin ang mga iyon, sa halip ay nagpatuloy na lamang sa paglalakad.

The Girl who had a Third Eye [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon