TGWHATE [9]
Princess Mhaan POV
Maayos naman natapos ang klase namin, matapos akong dalhin ni Tobby sa Clinic ay bumalik na din kami sa kanya-kanya naming mga klase…
Isa-isa nang nagsilabasan ang mga kaklase ko habang ako naman ay nagpaiwan lamang sa loob ng classroom dahil katulad ng nakagawian ay dito lang ang tambayan ko…
Isinubsob ko na lang ulit ang ulo ko sa may upuan habang nakatingin sa bintana. Teka…
Parang nagvibrate ang bag ko… Dali dali ko itong kinuha at binuksan pagkatingin ko hindi nga ako nagkamali, may tumatawag. Si auntie.
“Okay ka lang ba diyan Mhaan?”pambungad niya saakin.
“Opo.”
“Kumakain ka ba ng maayos, Naku. Kapag nalaman kung nag-no-noddles ka na naman. Humanda ka saakin. Ok sige na. tandaan mo huwag na huwag kang magsasalita mag-isa at mag-cu-cut ng class”Toot toot toot.
Hay. Ganyan talaga yan si Auntie hindi man lang niya akong hayaan na magsalita na mag-ingat siya…
Malungkot kung ibinalik ang cellphone ko sa bag at isusubsob ko na dapat ulit ang ulo ko ng makaramdam ako nang parang may nakatanaw saakin.
Iginala ko ang tingin ko sa paligid, wala naman… Isinawalang bahala ko na lamang iyon at isusobsob ko na sana ang ulo ko ng biglang may naninitsit saakin.
Pagkatingin ko sa pintuan ay nakita ko yung tatlong babaeng kaibigan ni Cristine…
Unti-unti silang lumapit saakin habang naguunahan kung sino ang mauuna sakanilang lumapit saakin…
Napangiti ako, mukhang worth it ang ginawa ni Cristine sakanila…
BINABASA MO ANG
The Girl who had a Third Eye [Completed]
RandomKailan ko kaya mararanasan ang isang maayos at magandang pamumuhay?. Pagod na pagod na ako sa buhay ko, ayoko na nang ganito. Ayoko nang makakita nang mga bagay bagay na hindi nakikita ng iba, ayoko na silang makita. Can someone save my life, Is the...