TGWHATE [2]
Naglalakad ako’ng mag-isa nang may maramdaman na naman ako na sumusunod saakin… Ito na naman ang balahibo ko, nagsisimula na namang magtayuan…
Alam ko na ito, multo na naman ang sumusunod saakin.
Huminga ako ng malalim at pumikit….
“Lumabas kana, alam kong sinusundan mo ako.” Sabi ko.
Pagdilat ko ng mata ko, may bumulaga kaagad saakin isang nakaputing babae na animoy si Sadako kung titingnan,.
Napaatras ako ng makita ko ang itsura niya. Nakakagulat. Siguro kaya hindi na din ako masyado natatakot sa kanila ay dahil nasanay na ako na palagi ko silang kasama… pero minsan nakakatakot din, nakakatakot na isipin na immune na ako sakanila at dahil doon feeling ko isa na din akong multo na katulad nila…
“Ikaw na naman?” sabi ko nang Makita ko siya.
Tumango lamang siya saakin at umaliwalas ang mukha. Ngumiti din siya…
“Ano na naman ba ang kailangan mo?” tanong ko habang naglalakad na papunta sa school namin.
“Pwede bang bilhan mo ako ng coffee, gusto ko kasi itong maamoy.” Aniya.
Napabuntong hininga na lamang ako. Hay naku… mauubos na naman ang allowance ko nito dahil sakanila.
Kumuha ako ng pera sa bag ko at bumili sa nadaanan kong coffe shop. Dalawa ang binili ko dahil hindi pa din ako nagkakape.
Ibinigay ko lang ang Kape pero tinitigan niya lamang ito at mabilis na umiling…
Hay. Sigurado, ako na naman ang pagdadalhin nito.
BINABASA MO ANG
The Girl who had a Third Eye [Completed]
RandomKailan ko kaya mararanasan ang isang maayos at magandang pamumuhay?. Pagod na pagod na ako sa buhay ko, ayoko na nang ganito. Ayoko nang makakita nang mga bagay bagay na hindi nakikita ng iba, ayoko na silang makita. Can someone save my life, Is the...