TGWHATE [39]
Princess Mhaan POV
“Saan ba tayo pupunta?” sunod-sunod na pagpatak ng luha ang dumadaloy sa mata ko habang nag-eempake.
“S-Sumunod ka na lang Hunter.” Napasinghap si Hunter atsaka pumunta na din sa kwarto niya.
Pinunasan ko ang luha sa mata ko atsaka ibinaling ulit ang sarili sap ag-eempake.
Nang matapos ako a pageempake ay hinintay ko na lamang na matapos si Hunter. Pumunta muna ako sa may kusina upang uminom ng tubig at para na din pakalmahin ang sarili ko. Ayoko nitong mga pumapasok sa utak ko.
“T-Tara na!” napalingon kaagad ako kay Hunter at tumango.
“Ano ba talaga ang nangyare? Akala ko ba doon ka matutulog kay Tobby” aniya habang nasa kalagitnaan na kami ng byahe.
Hindi ko siya inimik, ipinikit ko na lamang ang mata ko. Huminga muna ako ng malalim para mawala itong nasa isip ko.
“So saan ang plano mong pumunta ngayon?”
“Sa batanggas.”sagot ko.
“Bakit tayo pupunta doon?”tanong niya saakin ng may pagtataka.
“Gawin mo nalang ang gusto ko Hunter.”
Napakunot ang noo niya sa sinabi ko, wari ay nagtataka na ito sa inaakto ko… Napairap na lamang ako sa kawalan atsaka ako tumingin sa bintana.
Mga ilang oras ang lumipas, nakarating na din naman kami dito sa resthouse na tinutukoy ko kay Hunter… Nakikita ko talaga sa mga mata niya ang pagtataka sa mga inaakto ko, pero isinawalang bahala ko na lamang iyon.
Alam kung matagal nang hindi napupuntahan ang resthouse na ito dahil sa kadahilanang ang mga magulang ko ay out of the country palagi, alam ko naman ang password kaya hindi ako nagalinlangan na hindi kaagad makapasok dito.
BINABASA MO ANG
The Girl who had a Third Eye [Completed]
RandomKailan ko kaya mararanasan ang isang maayos at magandang pamumuhay?. Pagod na pagod na ako sa buhay ko, ayoko na nang ganito. Ayoko nang makakita nang mga bagay bagay na hindi nakikita ng iba, ayoko na silang makita. Can someone save my life, Is the...