TGWHATE [6]
Princess Mhaan POV
“Ano na naman ba?” tanong ko kay Jasmine kanina pa kasi niya ako kinukulit about doon sa lalaking nakita niya kanina sa school.
“Please… Pwede bang lapitan mo siya.” Pagmamakaawa niya saakin.
“Bakit ko naman gagawin iyon?” tanong ko.
“Basta. Pwede ba?” napatingin ako sakanya, seryoso ang mukha niya habang nagmamakaawa saakin.
“Ano ba kasi ang gagawin ko sakanya? At bakit ko naman siya lalapitan.?” Tanong ko
“Magpakilala ka lang.” simpleng sagot niya at bigla na lang siyang naglaho.
Ibang lase din ang babaeng iyon. Matapos maki-usap lalayasan na lang akong bigla.
Hay naku.
Naglakad lang ako pauwe sa bahay nang may maramdaman na naman akong sumusunod sa likod ko.
Pagkatingin ko, wala namang tao o wala namang multo. Iniling iling ko na lamang ang ulo ko at nagpatuloy na naman sa paglalakad pero andiyan na naman ang pakiramdam na may nakasunod saakin.
Nakaramdam na ako ng kaba sa dibdib ko at binilisan ang paglalakad. Sino naman kaya’ng multo ang sumusunod ngayon sa likod ko.
Bakit ba kasi ang bagal ng lakad ko kanina? Hayyyssst. Nakakainis naman.
Halos patakbo na akong naglalakad habang kitang kita ko na ang anino nang sumusunod saakin at na-na-nakaramdam na lang ako ng kamay sa balikat ko dahilan para kabahan ng todo-todo ang dibdib ko…
Huminto ako sa paglakad at unti-unti ay tiningnan ko ang kamay na nasa balikat ko…
BINABASA MO ANG
The Girl who had a Third Eye [Completed]
RandomKailan ko kaya mararanasan ang isang maayos at magandang pamumuhay?. Pagod na pagod na ako sa buhay ko, ayoko na nang ganito. Ayoko nang makakita nang mga bagay bagay na hindi nakikita ng iba, ayoko na silang makita. Can someone save my life, Is the...