TGWHATE [4]

2.2K 76 1
                                    

TGWHATE [4]

Kumuha ako ng cup noddle’s sa Ref ko. Hindi kasi ako kumain kanina sa may Canteen dahil alam kong mawawalan ng gana ang mga tao doon kung Makita nila akong nanduon. Buong hapon lang akong nasa classroom ko, walang makausap at wala ring nagtatangkang kumausap.

Tahimik akong nag-init ng tubig para doon sa cup noodles, kumukulo na talaga ang sikmura ko, kanina pa ako nagtitiis ng gutom…

Nilingon ko ang upuan na nasa mesa, hinila ko ito para may maupuan ako. Nahihilo na kasi ako sa sobrang gutom…

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa buhay ko…

Pinagmasdan ko lang ang takore na nakasalang ng may marinig akong kalabog sa may kwarto ko…

Napasinghap ako. Ito na naman tayo…

Dali-dali akong tumayo para tingnan kung ano ba iyong kalabog na iyon at hindi nga ako nagkamali…

Multo na naman…

Hay. Kalian kaya ako matatapos ang obligasyon ko sakanila?

Napapikit ako para tingnan yung kabuuan ng kwarto, nakita ko sa di kalayuan ang isang babaeng naka-uniform habang umiiyak…

Si Cristine, hanggang ngayon parin ba hindi parin siya napupuntahan ng mga kaibigan niya?.

Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga atsaka ko siya unti-unting nilapitan. Nakita kong bigla siyang napatingin saakin kaya napaatras ako, ibang iba  ang itsura nito kaysa sa noong nagpakita siya saakin sa school at humihingi ng tulong…

“Diba ang sabi mo tutulungan mo ako?” umiiyak siya ng dugo habang nakatingin saakin… Natatakot na naman ako. Kinakabog na naman ang dibdib ko.

“Bakit hindi pa din nila ako pinupuntahan?” at ngayon papalapit na siya ng papalapit saakin. Nakakatakot.

The Girl who had a Third Eye [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon