TGWHATE [38]

1.3K 39 1
                                    

TGWHATE [38]

Tobby POV

It’s been a week since I confess with her. It’s been a week of waiting for her answer, pero para saakin ay napaka-tagal na nang panahong iyon, nang gabing iyon ay nagpaalam siya na mag-c-cr lang siya pero after that night I didn’t see her for almost a week. Pinunpuntahan ko siya sa bahay nila pero wala siya doon at wala din si Hunter, hindi ko alam kung may nasabi ba akong hindi tama o mali ba ang nagawa ko. But the fuck, paano niya nagawang iwan ako nang hindi ko man lang napapakinggan ang sagot niya sa confession na ginawa ko.

“Tobby what’s up? Still no news?” tanong saakin ng kararating lang na si Brandon.

Hindi ko na lamang siya inimik at tinungga ko na lamang ang beer na hawak ko.

“Week na A, saan na naman ba nagpunta iyong babaeng iyon?”Aniya habang nagtungo sa kusina at mukhang kumuha din ng beer.

Tinungga ko ulit ang alak na hawak ko at tinitigan iyon…

“Nga pala si Kyrelle, susunod daw siya, may dala din siyang movie napu-pwede nating mapaglibangan.”aniya.

Nanahimik lang ako habang si Brandon ay sunod-sunod ang pagku-kwento niya nang kung-ano anong bagay, I don’t understand what he’s saying pero tuloy-tuloy parin siya sa pagsasalita na animoy kasalanan sakanya kapag hindi niya ipanagpatuloy ang sinasabi niya saakin.

Hindi kalaunan ay may nag-doorbell, tumayo si Brandon at pinagbuksan ng pintuan ang nag-doorbell, napalingon ako sa pwesto nila at nakangiting Kyrelle ang nakita ko habang ang daming dalang mga paper-bag.

Ibinalik ko ulit ang paningin ko sa harap at hindi ko na lamang sila inintindi. Naghaharutan sila sa tabi ko habang nag-aaway sa papanuorin, tinungga ko ulit ang alak na hawak ko. Nakita kung may inilagay na si Kyrelle na tape sa may CD at bumalik kaagad siya sa pweto niya.

Sunod sunod na pagtunngga ng alak ang ginawa ko, hindi ko na sila pinansin dahil napaka-seryoso nang mga mata nila habang nanunuod, marahil ay hindi na nila ako napansin na umalis na sa sofa.

Inilagay ko lamang ang bote ng alak na walang laman sa kusina at naglakad na patungo sa kwarto ko, nilingon ko ulit ang dalawa na nanunuod. Ite-text ko na lang sila.

The Girl who had a Third Eye [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon