TGWHATE [23]

1.6K 59 0
                                    

TGWHATE [23]

“Jasmine, naguguluhan na talaga ako”

“Bakit naman?”

“Hindi ko na talaga alam kung saan ako lulugar?”

“Anong ibig mong sabihin. Madame na akong nalalaman na hindi naman dapat, naguguluhan na din ako.”

“Katulad ng?”

“Yung Tres Malditah, sila pala yung Ghost hunter na kinakatakutan niyo?”

Napatango naman din kaagad si Jasmine sa sinabi ko…

“Haist. Tapos may mga sinasabi pa sila saakin na hindi ko maintindihan.”

“Tulad ng?”

“A-Basta.”sabi ko.

Nagpakawala na lamang ako ng malalim na buntong hininga at tsaka tumingin sa ulap… Maggagabe na pala pero nandito pa din ako sa school. Nasaan na kaya ngayon si Tobby, naalala ko nasa akin parin pala yung gamit niya. Ang bigat bigat tuloy ng dala ko tapos may bag pa ako.

Tumayo na ako sa pagkakaupo at nagsimula nang maglakad. Uuwe na ako dahil delikado na para saakin ang magpagabe sa daan. Kinuha ko ang cellphone ko magpapasundo nalang siguro ako kay Hunter kaso nang bubuksan ko na E bigla namang nalowbat. Haist. Wrong timing.

Papalabas na ako ng school nang bigla kong makasalubong yung mga kaibigan ni Tobby na sina Kyrelle at Brandon.

“Oh hi Mhaan?” bati saakin ni Kyrelle.

“Hello. Nakita niyo ba si Tobby?” tanong ko sakanila.

“Ah nasa bahay nila, in fact pupunta nga kami doon, gusto mo sumama?” aniya.

“Ay naku. Hindi na! pakibigay nalang siguro nito.”sabay inabot ko sakanya yung bag ni Tobby kaso umiling iling lamang siya at may sinenyas siya kay Brandon.

“Alam mo, Mas maganda siguro kung sumama kana lang, mas matutuwa iyon kapag kasama ka. At tsaka masakit din ang-” ani ni Brandon kaso hindi niya natapos dahil bigla na lamang siyang binatukan ni Kyrelle.

Ngumiti silang parehas saakin at tsaka ako niyaya na pumasok sa loob ng kotse.

Seryoso ba sila na pupunta kami sa bahay ni Tobby?

Pagkapasok namin sa loob E sa likod ako nakapwesto samantalang ang dalawa naman ay magkatabi sa unahan.

“Nga pala, mahimbing ba ang naging tulog mo kanina sa Gym?”

Nakaramdam kaagad ako ng hiya sa sinabi ni Brandon… “Ay naku Hindi naman gaano-I Mean Ou” nakayuko kong sabi.

The Girl who had a Third Eye [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon