TGWHATE [10]
Maayos akong dumating sa bahay noong araw na iyon. Medyo hindi ko kasi nakita si Tobby after noong uwian. Nakakalungkot!!.
Kumuha ako ng Noodles na nakatambak sa may cabinet ko at nagpakulo na naman ng mainit na tubig. Pagkapatong ko ng takore ay may bigla na lamang nagpakita saakin.
Putcha naman…
“J-Jasmine bakit ka naman nagpapakita kaaagad. Nanggugulat ka E.”
“S-Sorry. Bakit hindi kita nakita maghapon, saan kaba galing?” taong niya saakin.
Napaisip kaagad ako sa sinabi niya. Talagang hindi niya ako nakita?
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko.
“Nagpunta ako sa school niyo kanina pero wala ka doon.” Sagot naman niya.
Naikunot ko ang noo ko sa sinabi niya…
T-Talaga bang hindi nila ako Makita kapag kasama ko ang lalaking iyon?. Napangiti ako sa iniisip ko…
“Oh bakit ka nakangiti? Nakakatawa ba ang sinabi ko?” aniya.
Napailing ako… “W-Wala.” Sagot ko.
Napatingin ako sa kumukulong tubig na nasa harap ko, Sa wakas at makakakain na din…
Kumuha ako ng dalawang plato at isinalin ko ang isa kay Jasmine na nasa harap ko… Ngumiti naman siya sa ginawa ko.
Matapos namin kumain ay kaagad na akong pumasok sa kwarto ko, sumunod naman saakin si Jasmine pero hindi siya dumaan sa pintuan, tumagos lamang siya sa mga ito…
BINABASA MO ANG
The Girl who had a Third Eye [Completed]
RandomKailan ko kaya mararanasan ang isang maayos at magandang pamumuhay?. Pagod na pagod na ako sa buhay ko, ayoko na nang ganito. Ayoko nang makakita nang mga bagay bagay na hindi nakikita ng iba, ayoko na silang makita. Can someone save my life, Is the...