TGWHATE [35]

1.5K 49 0
                                    

TGWHATE [35]

“Ok ka na ba?” ngumititi ako ng tipid at tsaka tumango sa tanong saakin ni Kyrelle habang papasok kami sa loob ng school.

Nakahinga naman siya ng maluwag sahil sa sinabi ko, kasabay namin sila Brandon, Tobby at Hunter. Silang tatlo ay medyo nasa likod namin at pinaguusapan ang nangyareng laban kahapon. Narinig ko lang na nanalo parin naman daw ang team nila Tobby pero pahirapan dahil wala doon ang star player ng team, narinig ko din na marami daw ang nadismiya. Nalungkot tuloy ako, kung hindi dahil saakin baka hindi pa nahirapan ang team nila Tobby.

“Nalungkot ka yata bigla?” napatingin kaagad ako kay Kyrelle.

“Ha. Hindi A, may naisip lang ako.”tumawa siya.

“Alam mo sa nakikita ko ngayon, wala talaga kayong pinagka-iba ni Tobby. Tsk. Tsk. Tara na nga” at hinila na niya kaagad ako.

Medyo naguluhan ako sa sinabi niya pero pinagsawalang bahala ko na lamang iyon dahil sa tingin ko ay malalagot na naman ako nito sa mga professor. Ang dami ko nang absent.

“Ms. Aguilar.” Napadungaw kaagad ako sa may pintuan ng classroom namin nang marinig ko ang pagtawag ng pangalan ko. Patay na, late na naman ako nito.

“Sorry Mam I’m late”

Nakita kung napapikit ang professor namin dahil siguro sa may na-late na naman pero pinaupo na din niya naman ako. Pagkaupo ko pa lang ay kitang kita ko na kaagad ang titig saakin ng mga kaklase ko.

“Balita ko nagkasakit ka daw” napatingin kaagad ako kay Mam na nagsalita sa unahan.

Natigilan ako sa sinabi niya, paano nila nalaman na nagkasakit ako?

“Opo Mam”nagaalangang sagot ko. Napapansin ko na ang sama sama na makatingin ng mga kaklase ko saakin.

“So tama pala ang bali-balita na kaya hindi nakasali sa game si Tobby kahapon ay dahil sa inalagaan ka niya  sainyo.” Bigla akong nakaramdam ng kaba sa sinabi saakin ni Mam. Mukhang naiintindihan ko na kung bakit ganito ako tingnan ngayon ng mga kaklase ko.

The Girl who had a Third Eye [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon