TGWHATE [37]

1.7K 50 2
                                    

TGWHATE [37]

Matapos ang nangyare doon sa auditorium e makikita mo kaagad ang galit sa mga mata ni Tobby noong mga araw na iyon, nag-uumapaw ang galit niya na animo’y gusto niyang manapak ng tao at patayin ito. Nakakatakot siya. Noong Makita namin sila Hunter at sila Kyrelle e hindi kaagad sila naka-imik nang Makita nila ang galit na mukha ni Tobby, miski ako e hindi din naka-imik.

“Brandon, call Morgan tell him that who fucking is Glenn?” halos mataranta si Brandon sa sinabi ni Tobby. Kaagad din naman niyang sinunod ang sinabi nito. Lumapit saakin si Hunter at may ibinulong.

“Glenn?”aniya habang nakakunot ang noong tanong saakin. Sasagutin ko na sana siya nang mahulaan niya na ang dapat na sasabihin ko.

“Glenn Craig? You’re Ex?” malungkot akong napatango kay Hunter.

“Whoa, really?”

“Ou nga.”

“Mukhang magandang laban itong papanuorin ko A.” mapang-asar na sabi niya. Si Hunter talaga may kalokohan na namang naiisip Tsk.

Napadako ang tingin ko kay Tobby na nakaupo sa may bench habang hindi mapakali, ano ba ang nangyayare sakanya? Bakit ganyan siya kung makapag react kay Glenn E ex ko lang naman iyon.

Lalapitan ko na sana siya nang bigla akong lapitan ni Kyrelle at sumenyas na huwag daw muna. Nagtataka ako sa kinikilos nilang lahat.

“Tobby pwede bang magpasama muna ako kay Mhaan na mag-cr?” paalam ni Kyrelle. Napatingin naman din kaagad si Tobby saamin at binigyan niya ng galit na tingin si Kyrelle.

“No, she’s not leaving; just call Brandon at sakanya ka magpasama.” What the. Ano b a ng nangyayare sakanya at pati ako bawal samahan si Kyrelle.

“Pero-”

Nakita kung ikinuyom, ni Tobby ang kamao niya nang mag-pero si Kyrelle.

“Okay, kay Brandon na lang.” aniya at tumingin saakin. Binigyan niya ako ng tingin na kakaiba atsaka tinawag si Brandon habang may kausap pa sa cellphone.

The Girl who had a Third Eye [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon