TGWHATE [28]

1.5K 55 0
                                    

TGWHATE [28]

Tobby POV

 

The Fuck bakit ba ang tagal tagal naman maligo noong babaeng iyon. Mahigit isang oras na siyang nanduon sa loob, wala ba talaga siyang balak na lumabas doon. Nagaalala na ako sakanya.

“Crazy bitch. Are you okay?” inilapit ko ang tenga ko sa pintuan pero may naririnig ako sa loob. Parang may umiiyak.

Natataranta na ako. Ano ba ang gagawin ko?

Hinanap ko ang susi na ibinigay saakin ng receptionist meron kasi doon na susi para sa banyo.

Nang mahanap ko na E mabilis ko na din namang binuksan ang Cr. At nakita ko kaagad si Crazy Bitch na nakaupo sa may bath tab na umiiyak at nanginginig sa takot.

“Crazy Bitch? What are you doing?”

Napaharap siya saakin na animoy takot na takot, sunod sunod din ang pagtulo ng luha niya. Kaagad ko siyang nilapitan para ialis doon pero nagulat ako sa ginawa niya.

Bigla na lamang niya akong niyakap… humahagulhol siya ng iyak habang nakayakap saakin, hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko gayung tuwalya lang ang nakabalot sakanya.

Fuck. Tobby. Bakit mo ba siya pinagnanasaan…

Hinaplos haplos ko na lamang ang likod niya para naman kahit papaano E maramdaman niyang may kasama siya at para na din mapakalma siya.

“Tara na sa labas, magbihis kana.” Sabi ko.

Tumango na din naman siya sa sinabi ko. Hinawakan ko siya sa kamay para maalalayan. Sumisikip talaga ang dibdib ko sa tuwing nakikita ko siyang ganito…

Napatitig ako sa mga kamay niya, tuloy parin ang panginginig nito…

The Girl who had a Third Eye [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon