TGWHATE [47]

1.3K 28 1
                                    

TGWHATE [47]

“Kuya are you really sure na hindi ka talaga pupunta sa prom niyo?” tumango ako sa kapatid ko na nakahiga sa tabi ko.

“Pero kasi sayang naman yung binili kung damit sayo.” Nakasimangot niyang sambit saakin.

Inilipat ko na lamang ang pahina ng Magazine na binabasa ko.

“Sinabi ko naman sayo na hindi ko naman magagamit yan, pero nagpumilit ka parin.”

“Kasi gusto talaga kitang nakikita na nakasuot ng tuxedo. Magpipicture kasi ako ng madami.”

“Kung ikaw na lang kaya ang magsuot nun…” panunukso ko sakanya.

“Ayaw ko nga, ano naman ang magiging itsura ko nun.” Bumangon na siya sa pagkakahiga at seryosong humarap saakin.

“Kuya!” tawag niya ng pansin saakin.

“Bakit?” sambit ko habang kumuha ulit ng panibagong magazine na babasahin.

“Promise kapag pumunta ka sa prom niyo, ipagluluto kita bukas ng paborito mong pagkain.”

Bigla akong napatingin sakanya at binigyan siya ng ngiti na napakalapad.

“Sure?” paninigurado ko.

Tumango tango naman ito at nag-approve sign pa saakin. Nakangiti akong inilapag ang magazine na hawak ko at nagtungo sa CR para makaligo.

Pagkalabas ko ay nakaabang kaagad saakin ang kapatid ko na nakangiti habang inihahanda na ang damit na susuotin ko.

Pinatuyo ko lamang sandali ang ulo ko at lumapit na sakanya.

The Girl who had a Third Eye [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon