TGWHATE [34]

1.5K 54 0
                                    

TGWHATE [34]

“Mhaan.” Nagising ako sa boses na iyon. Kaagad akong napabangon at napahawak sa ulo ko. Ang sakit…

Sinubukan kung tumayo at pinilit na makuha ang cellphone ko pero nabigo ako dahil nahilo lang ako at muntik pang madapa.

Ang sama nang pakiramdam ko… Imbes na tumayo pa ay hindi ko na ulit binalak dahil hindi talaga kaya nang katawan ko. Napatingin ako sa wall clock alas sais na pala nang umaga. Sigurado ako na nagaasikaso na iyong si Hunter.

***

“Mhaan. Mhaan. Mhaan. Shit nilalagnat ka.”pagod na pagod ang mga mata kong dumilat habang naririnig ko ang pang-gigising saakin ni Hunter.

“W-Wala ito Hunter. S-sige na pumasok ka na, kaya ko naman ang sarili ko.”sambit ko sa kabila nang pagod na pagod na boses.

“Anong pumasok? tingnan mo nga yang sarili mo. Para ka nang mamatay sa itsura mo ngayon. Hindi na ako papasok-” sandali siyang natigilan sa sinabi niya.

“Aist. May exam nga pala kami ngayon. Shit.”

Napahawak kaagad ako sa kamay ni Hunter…

“Sige na pumasok kana. Sanay naman ako nang ganito, iwan mo lang ako ng pagkain at gamut dito. Magiging ok lang ako.”

Napabuntong hininga siya sa sinabi ko. “Sigurado ka ba diyan? Wait kukuha lang ako ng towel para maihanda ko na.” napatango na lang ako at tsaka pumikit ulit. Hindi ko talaga kayang dumilat…

Maya-maya ay dumating na din naman si Hunter at naramdaman kong may ipinatong siya sa ulo ko at nagbilin atsaka umalis, narinig ko pa nga ang sinabi niyang Tobby…

Tobby POV

 

“Nasaan na ba kasi yun Tobby?” naiirita na si Kyrelle sa kakahintay dito sa labas ng gate.

“Fuck. I don’t know Ok. I don’t know.”inis na sabi ko sakanya. Nakita ko naman na pinakalma siya ni Brandon.

The Girl who had a Third Eye [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon