TGWHATE [7]
Nag-aabang ako sa bahay ni Tobby. Kung tatanungin niyo kung paano ko nalaman ang bahay niya- Simple lang. Inutusan ko si Jasmine na hanapin ito kapalit ay isang kape. Haha. Nakikita ko na ang buhay ko sa hinaharap, sa wakas mabubuhay na ako ng normal.
Nakaupo lang ako sa labas ng gate nila habang hinihintay siya, gusto ko kasing sabay kaming pumasok ni Savior.
Nakatingin lang ako sa daanan habang may tumatamang araw sa pisnge ko. Wala na nga akong pakialam kong pinagtitinginan na ako ng mga tao dito dahil sa nakaupo ako sa kalsada.
Napatingin ako sa araw at napangiti ako ng Makita na napakaganda nito, noong tiningnan ko ulit ang tingin ko sa sasakyan ay nagulat na lang ako ng may nakita akong dalawang matanda na nakaharap saakin.
“Gudmorning ija.” Bati nila saakin.
Ngumiti din ako at bumati. “Morning din po.” Sabi ko.
Umupo sa tabi ko yung dalawang matanda, tingin ko ay mag-asawa sila.
“Ngayon ka lang ba nakapunta dito?” tanong saakin ni Lola.
Tumango ako…
“Kaya pala, ngayon ka lang namin nakita dito.” Sabi naman ni Lolo.
“Ou nga po E. may pinuntahan lang po talaga ako…”
Sandaling katahimikan ang namayani saaming tatlo. Tanging pinagmamasdan lang namin ang mga sasakyan na pumapasok at lumalabas…
“Ija. Ipagpa-umanhin mo itong sasabihin namin sayo. Pero pwede bang pakitingnan ang apo namin.” Nagtaka ako sa sinabi ni Lolo.
“Ha. Bakit po?”
“Alam ko kasing malungkot siya, wala na siyang mga magulang, wala na kami at higit sa lahat wala na din ang girlfriend at kapatid niya.”
BINABASA MO ANG
The Girl who had a Third Eye [Completed]
RandomKailan ko kaya mararanasan ang isang maayos at magandang pamumuhay?. Pagod na pagod na ako sa buhay ko, ayoko na nang ganito. Ayoko nang makakita nang mga bagay bagay na hindi nakikita ng iba, ayoko na silang makita. Can someone save my life, Is the...