TGWHATE [19]
“What do you want?” tanong kaagad saakin ni Tobby ng makapasok kami sa loob ng Cafeteria.
“Ha.!”
“I said What do you want. Kailangan pa bang inuulit sayo lahat. Ayyssst.”
“K-Kahit ano na lang.”sagot ko nalang.
Aalis na sana si Tobby kaso bigla ko siyang hinawakan sa dulo ng uniform niya.
“What?”singhal niya saakin.
“Pwede bang sama nalang ako…” sabi ko…
“Why?” ano ba naman itong lalaking ito… Hindi niya ba nakikita, pinagtitinginan ako ng mga babae, papatayin na ata nila ako. Tapos may isang batalyon pa ng multo na nasa harap ko….
“Huwag kana magrekalamo. Basta sasama ako.” Hindi na siya nakapalag dahil tumayo na ako at mabilis na hinila siya papunta sa bilihan ng pagkain.
Nasa likod lang niya ako habang nakahawak sa braso niya, napatingin ako sa paligid ako lang ang pinaguusapan nila. Ang sama ko bang tao at ganyan nila ako tratuhin?.
Nang makabili na si Tobby ng pagkain ay bumalik na din naman kami sa upuan namin. Doon siya umupo sa harap ko, inilapag niya sa harap ko ang pagkaing inorder niya para saakin. Napatingin ulit ako sa paligid, ganun pa din sila kung makatingin…
Nagumpisa nang sumubo nang pagkain si Tobby samantalang ako naman ay hindi ko magawa, yung isang batalyong multo kasi ay nakapaligid sa aakin. Tapos hindi ko pa katabi si Tobby.
“Hey Crazy Bitch. Bakit hindi ka pa ba ka-kain?”
Nanginginig kong kinuha ang kutsara habang nakikita kong nakatingin saakin si Tobby…
“May problema ba?” tanong niya saakin.
“K-Kasi-Ano E. K-kasi”napatingin ako gilid ko. Wahh. Nakakatakot sila.
“Hey wala ka bang balak na sagutin ang tanong ko. May problema ka ba?”
Napayuko na lang ako habang unti-unti kong pinipikit ang aking mga mata… “K-Kasi may isang batalyong babae na nasa tabi ko ngayon.”
“WHAT?” napapikit na lang ako sa sigaw ni Tobby… Nanginginig na talaga ang kalamnan ko… naramdaman kong may tumabi sa tabi ko, pagtingin ko. Wala na ang multo, Napahinga ako ng malalim ng Makita ko si Tobby, kinuha niya ang kamay kong nanginging at ipinatong niya ito sa braso niya. Nagtaka ako sa ginawa niya… Pinagmasdan ko lang siya, medyo nawala na din ang panginging ko.
“Kumain kana.” Aniya. Napangiti na lang ako atsaka ngumiti sakanya.
Humarap na din ako sa pagkain at nagumpisa nang kumain.. Hindi ko na pinansin ang mga estudyanteng nakatingin ngayon sa amin, ang maalaga. Ligtas ako kapag kasama ko ang katabi ko ngayon….
BINABASA MO ANG
The Girl who had a Third Eye [Completed]
RandomKailan ko kaya mararanasan ang isang maayos at magandang pamumuhay?. Pagod na pagod na ako sa buhay ko, ayoko na nang ganito. Ayoko nang makakita nang mga bagay bagay na hindi nakikita ng iba, ayoko na silang makita. Can someone save my life, Is the...