TGWHATE [32]

1.4K 55 1
                                    

TGWHATE [32]

Princess Mhaan POV

 

Pasado alas tres ako nagising dahil sa may narinig akong kumalabog sa loob ng kwarto, kaagad akong napabangon at isinuri ang paligid. Napakusot ako ng mga mata ko ng Makita ko ang picture frame na nahulog sa sahig.

Ibinalikwas ko ang kumot ko at isinuot ang tsinelas ko na pambahay at naglakad kung nasaan ang picture na iyon. Pinulot ko iyon, ito pala yung picture na may kasama akong babae na hindi ko kilala.

Bumalik ako sa higaan ko at dinala ang picture na iyon.

Dahan dahang kong inilapag ang picture sa table katabi ng cellphone ko at sinubukang matulog ulit.

“Mhaan, please huwag muna ako na muna.”

 

“Pero Khatrina-”

 

“Hindi b a ng sabi mo, kaibigan mo ako. Huwag ka munang bumalik, hayaan mo munang gamitin ko ang katawan mo”

 

“Pero-”

 

“Promise, I won’t disapoint you. Gagawin ko ang lahat para lang masabi sakanya lahat, lahat nang mga ginawa mo para sakanya. Please just let me use your body for me to finally say goodbye to him.”

 

“Pero Khatrina masasaktan mo lang siya ulit…”

 

Napangisi ng mapang-asar si Khatrina at idinuro ako…

 

“Baka nakakalimutan mo Mhaan, ikaw ang dahilan kung bakit ako namatay, kung hindi diyan sa pesteng paguutak mo at pagiisip na magpakamatay E baka buhay pa ako ngayon. Don’t you remember, you were the one who put me here, you were the one who killed me.”

 

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at nagsimulang magbagsakan ang luha sa pisnge ko.

The Girl who had a Third Eye [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon