TGWHATE [41]

1.3K 38 3
                                    

TGWHATE [41]

Maaga ako nagising sa kadahilanang kailangan ko pang pumasok sa school para Makita si Max. Kailangan ko nang solusyunan ang nangyare kay Jasmine upang may sabihin naman ako kapag ready na akong umakyat sa itaas.

“Aga natin A” pambungad kaagad saaking bati ni Hunter.

“Yeah!” tipid na sagot ko at umalis na kaagad sa harap niya. Hindi ko na muna siya aabalahin para lang sumabay, tutal nabuhay naman ako ng mag-isa, lalakarin ko na lang siguro ang school.

Nakaramdam ako ng vibration mula sa Bag ko, marahil ay may-nagtext. Binasa ko ang text niya at napakunot kaagad ang noo ko nang Makita kung hindi ito naka-phone book sa contact ko.

Magtitext na sana ako ng bigla na lamang itong tumawag, nag alangan pa ako kung sasagutin ko ba ito o hindi pero dahil nadala sa ka-curiosan e nasagot ko ito.

“Hello!” walang ganang sagot ko.

“Oh Hi. Good morning..” ani ng isang masiglang boses na lalaki.

“Do I know you?” mataray na sagot ko.

“Ay Ou nga pala, ako ito sa Max. ang tagal na kitang kino-contact, nagalala kasi ako ng mabalitaan kung hindi kana pumapasok.”

“A!”

“Ou nga pala, Where are you?” tanong niya.

“Naglalakad.”

“Saan?”

“Dito sa may kalsada papunta sa school.”

“A. sinabi ko na nga ba e. sige wait lang A” aniya at mabilis ng ibinaba ang cellphone. Tsss. Ibang klase.

The Girl who had a Third Eye [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon