TGWHATE [45]
Dali-dali akong lumabas ng pool at nagpunta sa Cr. Naligo ako at isinama si Brandon, nagtataka pa ito sa inaakto ko pero kalaunan ay pumayag na din naman siya. Siya ang pinagmaneho ko ng sasakyan habang tinuturo ko sakanya ang bahay nila Mhaan.
“Anong gagawin natin kila Mhaan?” tanong niya saakin.
Hindi ko na lamang siya pinakinggan, dire-diretso ang pasok ko sa loob ng kwarto niya hanggang sa makapasok ako, nagpunta kaagad ako sa ilalim ng kama niya at kinuha ang box.
Pagkabuklat ko doon ay puro picture ko na stolen ang naroon.
Binasa ko ang nasa likod nito.
“Ang cute mo talaga Tobby kapag nakangiti”
-PMA-
“I’m sorry pero nagsinungaling ako sayo, ang totoo niyan isa lang talaga ang payong ko. Pero kahit na nilagnat ako kinabukasan ok lang atleast nakita ko naman na nahawakan moa ng payong ko”
-PMA-
“Nakakainis ka talaga Tobby, bakit mo naman hindi kinuha ang cake na ibinigay ko sayo. Alam mo bang nagkada sugat sugat ang kamay ko para lang maging perfect iyon”
-PMA-
“Ito yung banner na ginawa ko para sa team niyo, sana magustuhan mo”
-PMA-
“Masaya ako kahit na hindi mo tinanggap ang lunch na inihanda ko, Makita lang kita ok na ako. Promise sa susunod aayusin ko na, sasarapan ko na lalo para hindi kana makatanggi”
-PMA-
“Bakit ba hindi mo ako kayang mahalin Tobby?”
BINABASA MO ANG
The Girl who had a Third Eye [Completed]
RandomKailan ko kaya mararanasan ang isang maayos at magandang pamumuhay?. Pagod na pagod na ako sa buhay ko, ayoko na nang ganito. Ayoko nang makakita nang mga bagay bagay na hindi nakikita ng iba, ayoko na silang makita. Can someone save my life, Is the...