[ JARRED CHAIX'S POV ]
''Oh ba't ka na naman nandito? Ilang beses ko bang dapat sabihin dyan sa kulot at patay mong buhok na wag mo akong mapunta-puntahan dito? Huh?'' Singhal ko sa isang nakakairitang babae na sumunod na lang nang sumunod sa akin. Di ko nga alam kung saang lupalop nang planeta nanggaling ang taong to. Speaking of human being, di pa sure kung tao nga sya. Bigla-bigla na lang susulpot. Kung nasaan ako nandun din sya. Aba! Daeg pa neto ang may tracking device.
''JC relax lang, tingnan mo mukhang may dala ang iyong sweet admirer'' Pangaasar pa ni Kyle. Sya nga pala ang isa sa mga kasamahan ko. Si Kyle Reyes na babaero. Walang patawad yan. Kung sinong madampot, syota agad at on the spot din ib-break. Palibhasa idol ako.
''Tumigil ka nga!'' Sigaw ko kay Kyle at tiningnan ko nang masama ang babaeng di ko madescribe ang itsura. ''Oh ano? Tatanga ka na lang dyan?''
''Ahm, gusto ko lang namang kamustahin ka ee'' Sabi nya na parang paiyak na. Takte, baka sabihin nang mga nakakakita binubully ko itong batang ito. Jusme, sakit sa ulo.
''Hoy Krung-krung, ayos naman ako ee. Di ko kailangan nang body guard. Pero hayaan mo, pag nangailangan ako ikaw agad ang tatawagan ko'' Sabi ko sa batang ito. Oo bata pa sya sa tingin ko. Nakauniform kaya sya ngayon nang pang highschool. Neneng-nene nga itong si Krung-Krung at parang walang kaalam-alam sa mundo. Sino kayang mga magulang nito? Tao kaya sila? Malamang sa malamang HINDI!
''Hindi nga Krung-Krung ang pangalan ko'' Tapos nagdabog sya na parang 7 years old na batang inagawan nang lobo. Psh
''E may pangalan ka ba?''
''Earth Victoria Evan nga kasi ee hindi nga Krung-Krung'' Paglilinaw nya na parang naiinis na. Ayaw pa kasing umalis. Ano bang gusto neto?
''Ang cute nya pare'' Bulong sa akin ni Kyle. Kung sya lang din naman ang lalapit sa akin mas pipiliin ko na lang matulog o mas mabuti pa sigurong mamatay.
Tinatanggap ko naman kahit sinong magnasa sa kissable lips ko at sa hot kong katawan wag lang ang Krung-Krung na ito. Mamaya nyan masabihan pa akong child abuse o yung tinatawag nilang pedophile.
''Heto oh dinalhan kita nang lunch kasi baka hindi ka pa nakain'' Umupo sya sa tabi ko.Inilagay nya sa lamesa yung kinuha nya sa paper bag na lunch box? Ano ako bata? Kinder Garten?
''Oh anong gagawin ko dyan?'' Tiningnan ko ang mga kasamahan ko at halatang-halata silang nagpipigil nang tawa. Ba't kasi kinakausap ko pa ito e.
''Syempre kakainin mo, gusto mo subuan kita?'' Nak nang wala ba akong kamay?
''JC baby sitter din pala ang sweet admirer mo bukod sa pagiging body guard nya'' Bulong ni Sam sa akin. Si Sam Montes certified rebelde. Tagapagmana ko din yan.
Tiningnan ko sya nang masama. I mean, si Krung-Krung.
''Hoy nasaan ba tayo?''
''Nasa ahm'' Tumingin pa sya sa paligid nya. ''Cafeteria nyo'' Sabay ngiti na naman nya.
''Oh alam mo naman pala e. Bakit dinalhan mo pa ako nyan?''
''Baka kasi wala kang makain''
Sina Kyle at Sam di na napigilang hindi mapatawa. I mean halakhak. Kundangan ba naman kasing ambobo.
''Lilinawin ko lang Krung-Krung''
''Earth Victoria Evan nga''
''Oh syasya Earth Victory Krung-Krung Evans na nasa Cafeteria tayo at madaming pagkain dito, may pera ako, madami! Kaya kung pwede lang umalis ka na bago pa kita IHAGIS PABALIK SA PLANETA MO!'' Napatayo na at napasigaw na talaga ako. Nakakaasar na'tong babaeng to talaga. Mauubusan ako nang dugo. Napatayo naman sya at napaatras naman sya at parang natakot.
''Dinalhan lang naman kita, galit ka agad'' Tapos nagpout sya.
''Wala naman akong sinabing dalhan mo ako nyan. Now, get lost!'' Yung hand gesture ko parang yung kay Yohan sa The Master's Sun. Pagkasabi ko nun sa kanya bigla na lang syang nagtatakbo palayo. Tsk Tsk mga bata nga naman. Umupo na ako pero ayoko nang kumain. Nakakawala nang gana ang kulot na'yon.
''JC ba't mo naman ginawa yun?'' Tanong ni Kyle habang lumalamon.
''Hoy Kyle, sinabi ko bang tanungin mo ako?'' Pagsusungit ko sa kanya. Tsk. Madaming beses ko nang ginawa yun kay Krung-Krung pero nabalik at nabalik din naman. Sa pinapakita nya, malabong matiis ako nang kulot na'yon.
Tumayo na ako para umuwi. Badtrip na naman ako.
''Oh san ka naman pupunta? May klase pa tayo ah'' Sam
''Uuwi na, walang base ang araw na'to''
''Haha o sige, baka naghahanap ka lang'' Tapos nagtawanan ang dalwa. Tinalikuran ko na lang sila at nagsimula nang maglakad papuntang parking lot.
I have my own car since high school. Papalit-palit every year. Graduating na nga pala ako nang college. Di nga lang sure kung g-graduate nga. Nakakatamad naman kasi. Alam mo na pagkatapos mong mag-aral matatali ka na sa tao/pamilyang ni hindi mo pa nakikita.
Nandito na ako sa bahay at sinalubong nang head nang mga maid.
''Sir Jarred, kumain na po kayo'' Nilampasan ko lang sya.
''Sir Jarred, tumawag po ang mommy nyo at kinakamusta po ang kalagayan nyo dito'' Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi nya.
''Nangangamusta? Haha nagpapatawa ka ba tanda? Sa susunod, kapag nangamusta ulit sila ang sabihin mo sa kanila patay na ang black sheep sa pamilya'' Tila nagulat sya sa mga sinabi ko. Pero tinalikuran ko na sya at nag-akyat na sa kwarto ko. Wala akong mapapala kung nandito lang ako.
Hmp. Nangangamusta? Kamustahin nila mukha nila. Akala mo kung sinong mabubuting magulang.
Kinabukasan
Maaga akong pumasok dahil ayokong kumakain sa bahay. Nakakaloko kumain mag-isa sa isang mahabang lamesa habang pinapanood ka nang sampung maids. Kaasar 'yon.
''Good morning Jarred Chaix'' Sabi na e, nagpalipas lang nang isang araw heto na naman sya. Take note, wala pang 24 hours. Nagdere-deretso lang ako sa paglalakad at hindi sya pinansin.
''Jarred Chaix kamusta ka kahapon? E nakatulog ka ba nang maayos kagabi? E yung gising mo kaninang umaga masarap ba?'' Hanggang kailan ko po ba kailangang tiisin ang bunganga nya? Naglakad pa din ako nang tuloy-tuloy pero sumusunod pa din sya.
''Ahm Jarred Chaix, alam mo bang may masarap daw na turo-turo dun sa labas nitong school? Tara mamayang pag-awas'' Hay ewan ko sa'yo
''JARRED CHAIX MIGUEL!'' Sigaw nya sa pangalan ko na dahilan kung bakit nilingon ko sya. Nakita ko naman syang naka-pouty lips.
''Kailangan bang isigaw ang pangalan ko huh? At hanggang kailan ko din ba sasabihin sa'yo na wag na wag mong bubuuin ang pangalan ko?'' Singhal ko sa kanya na may kasama pang panduduro sa kanya. Nakakarindi na kasi ang bunganga nya. Araw-araw syang ganyan. Paulit-ulit ang tanong.
''E kasi naman ayaw mo akong pansinin at tyaka puro na lang silang JC, gusto ko naiiba ako sa kanila'' Tapos nagpout na naman sya. Napahawak tuloy ako sa noo ko. Jusko po sumasakit ang ulo ko.
''Jusko Krung-Krung, ibang-iba ka sa kanila oh, tingnan mo ang paligid mo ikaw lang ang naiiba'' Pagdidiinan ko sa kanya. Sumimangot na naman sya at nagtatakbo palayo. Hay paulit-ulit na lang. Pero totoo namang naiiba sya. Sa tinagal-tagal na nya akong kinukulit alam kong every Monday lang sya nag-uuniform. Ang suot nya naman pagkatapos ng Monday ay laging dress at may hawak pang teddy bear. Idol ata nya si Mr.Bean. Nakakapagtaka lang at hindi sya sinisita nang mga teachers nya at mga guards.
Ano ka ba talaga Krung-Krung?
BINABASA MO ANG
After Promises
Teen FictionThis story has no summary yet. FOLLOW ME ON YOUR WATTPAD ACCOUNT Just open, add to your reading list, read, comment, vote, and share. Hindi ito horror yan lang ang tinitiyak ko sa inyo hahahaha. At dahil Untitled Story ito, sa mga susubaybay magco...