Chapter 18

204 3 0
                                    

''JC puntahan mo na kaya ngayon yang GIRLFRIEND MO! Alis na tsu'' Naiinis na sabi ni Kyle sa akin.

''Oo nga pre, ilang araw ka nang distracted. Tsk tsk, kaya ayokong ma-inlove e. Nagmumukhang tanga haha!'' Psh bahala kayo sa gusto nyong isipin. Bigla na lang akong umalis, nakasalubong ko naman si Cielo at dahil nakipagsabayan sya sa pinto.

''Ouch, dahan-dahan naman'' Sigaw nya dahil napatalsik sya nang magkagitgitan kami sa pinto. ''Anung problema nun?'' Rinig ko pang tanong ni Cielo.

Agad akong lumabas ng school at pinuntahan ko si Aling Cynthia. Itinanong ko sa kanya kung napapadaan dito si Krung pero ilang araw na din nyang hindi nakikita ito.

''Nasaang lupalop ka ba nagtatago? Haixt!'' Napasabunot na naman ako sa aking buhok at naisipan ko na lamang pumunta ulit sa room nya, magbabakasakali na maaabutan ko sya dun. Hindi naman ako nabigo kaya agad akong pumasok sa loob kahit na may klase.

''T-teka? Ambastos mong bata ka! Saan mo dadalhin si Miss Evan ha? '' Sigaw iyon nang nakakairitang professor. Kita ko sa reaction nya ang pagkagulat.

''Wait Jarred Chaix saan ba tayo pupunta?'' Tanong nya habang kinakaladkad ko sya papunta sa soccer field. Hindi ko pinapansin ang patuloy nyang pagtatanong at pagtawag sa pangalan ko hanggang sa makarating kami dito. Tumigil ako at saka humarap sa kanya at niyakap ito nang mahigpit.

''Jarred Chaix? O-okay ka lang ba ha?''

''I badly miss you Krung'' Kumakawala sya sa pagkakayakap ko ngunit hindi ko ito hinayaang mangyari. ''Please, lets just stay like this even for a minute''

''I'm sorry Jarred Chaix, I can explain'' Sa sinabi nyang iyon kumawala ako sa aking pagkakayakap sa kanya, parang may kumurot sa puso ko na nag-electrify sa buong katawan ko. Parang hindi ko magugustuhan ang nakikita ko sa mga mata nya. Mukhang hindi magiging maganda ang sasabihin nya. Ayoko! Masama ang pakiramdam ko kaya hindi ko na lang nanaising marinig pa ang anumang sasabihin nya.

''Jarred Chaix, I am going to get mar******''

''Halika na't baka magkasakit pa tayo'' Sigaw ko at hinawakan ang kanyang kamay at tumakbo sa silong. Hindi na nya natuloy pa ang sasabihin nya dahil sa biglaang pagbuhos nang ulan. Tila hindi din pinahihintulutan nang panahon ang sasabihin nya. Sana mali ang mga hinala ko.

I felt relieved when she hugged me from behind. Nandito lang kami sa loob nang tree house dito sa school. ''Whatever happen, I know that time will make ways to bind us, FOREVER'' Bakit ba kailangan pang mayroong ''whatever happen?'' Parang sinasabi nya na may masamang mangyayari.

''What if, we're not meant to be?'' Out of no where naitanong ko ito sa kanya. Napabuntong hininga naman sya. Kaya naman inakbayan ko sya at isiniksik sa katawan ko. Hinalikan ko ang noo nya. ''Forget it'' At ako naman ang napabuntong hininga. Oras din ang inabot nang aming pag-hihintay sa pag tila nang ulan. Nanatili lamang kami sa ganoong posisyon. Nabigla na lamang ako sa pagyakap nyang muli sa akin.

''Mahal na mahal kita Jarred Chaix'' Mahina lamang ngunit sapat na upang marinig ko ang kanyang sinabi. Napangiti ako. Alam kong mas nasasaktan ka sa nararanasan mo ngayon

Ilang sandali pa't tumayo na ako.

''Tayo ka na dyan, ihahatid na kita sa building nyo. Baka naghihintay na sya sa'yo'' Nang hawak ko na ang kanyang kamay para lumakad, naramdaman ko ang pagpigil nito. Napalingon ako sa kanya at parang sinasabi nang mga mata nya na Anong alam mo?

''Anong sinabi mo Jarred Chaix?'' Tama ako, hindi nya inaasahan ang sinabi ko. Ang totoo nyan. Matagal ko nang gustong umiyak, ayoko lang talagang makita nya akong naduduwag.

After PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon