''JC hindi ka pa din ba papasok? Dyan ka na ba tutubuan nang ugat?'' Pags-sermon ko sa kanya. Kasi naman friday na and heto pa din sya at nakatayo sa tapat nang gate nang bahay nina EVE. Araw-araw na lamang ganyan sya. Wala na syang ibang ginawa kundi tumayo sa labas nang malaking gate na yan at mag-hintay na may lumabas para makausap sya. Kahit ako nawawalan na din nang pag-asa. Pero dahil kaibigan ko sya, sinosoportahan ko pa din sya ayun nga lang. Kapag kailangang pumasok at ayaw nya kinagagalitan ko sya. Nag-mumukha na nga kaming tanga dito eh. Para akong nanay na nagsesermon sa anak na ayaw pumasok sa klase nya.
''Fine JC! Malalaman na talaga ito nang mama mo'' Okay no effect. Actually yung mama nang kambal ay walang alam sa nangyayari dahil nasa Japan sya right now managing their business there. Hindi ko nga lang alam if matutuwa sya kapag nalaman nya ang mga nangyayaring ito sa mga anak nya.
''JC, pag-pahingahin mo na lang ang katawan mo kahit isang araw lang''
''Cielo, mas lalo akong hindi matatahimik kung hindi ko ito gagawin. At least may nagagawa ako para sa kanya''
''Hay! Bakit ka ba ganyan? Sa tingin mo ba ikakatuwa nya kapag nalaman nya ang ginagawa mo sa sarili mo? No JC you should go now''
''Tama si Cielo'' Napalingon kaming dalwa sa nagsalita na may kasama pang pagpalakpak. '' Isang linggo na Jarred but you didn't lose hope'' Mapang-asar nyang sabi. Nakita ko na lamang na mabilis na lumapit si JC sa gate at nahalbot nya ang kwelyo ni Jacob at nahigit papunta sa gate. ''Hahaha! You are weak Jarred.''
''Walangya ka Jacob! Ilabas mo si Earth''
''A-Y-O-K-O''
''Hayop ka Jacob papatayin kita ilabas mo si Earth''
''Hahaha pinapatawa mo talaga ako Jarred. Sa tingin mo ba susunod ako sa sinasabi mo? Hahaha''
''Lumabas ka dito kung talagang matapang ka''
''Ayoko nga haha tyaka bitawan mo ako'' Pinilit alisin ni Jacob ang pagkakahawak ni JC sa kwelyo nya. At naglakad ito palayo.
''Hoy duwag! Bumalik ka dito!'' Ramdam ko ang gigil sa mga salita nya. Nilapitan ko na si JC.
''JC, calm down.
''Jarred, sana maka-attend ka sa engagement party namin hahaha!''
''Hayop ka! Hayop!'' Lalong nag-wala si JC sa narinig nya. At oo malapit na talaga. But I doubt na invited kami lalo na alam nilang lahat ang pwede naming gawin.
''JC, tara na'' Pag-aya ko sa kanya. Kita ko ang sakit at hinagpis nya. Sumakay kami nang kotse nya but instead, ako na ang umupo sa driver's seat. Nag-drive ako from San Pablo to Manila. Wala syang imik. Tulad nang mga nakaraang araw, tulala sya at mas lumala pa. Awang-awa na talaga ako sa sitwasyon nya, nilang dalwa. Wala akong balita kay EVE. Wala na si Dino sa loob kaya wala na akong pwedeng maging access kay EVE.
''Nandito na tayo'' Actually, dumeretso kami sa condo nya para makapaligo naman sya at mapalitan ang damit.
''Heto kain ka na. Kanina pa dapat yan pero napaka abnormal mo naman hehe'' Tapos na kasi syang maligo.
''Hello guys!!'' Napatingin ako sa nagsalita. Paano nakapasok ang dalwang ito? ''O? Parang nakakita kayo nang multo?'' Lumapit ito at kumuha nang almusal namin ni JC.
''Hoy paano kayo nakapasok? Di man lang kayo nag door bell''
''Alam namin ang code'' Sabi ni Sam.
''Ahhh, k fine! ''
''JC pre, tarang mag-club mamaya!!'' Pag-aaya ni Kyle.
''Hoy abno ka talaga hindi mo ba nakikitang problemado yung tao?''
BINABASA MO ANG
After Promises
Teen FictionThis story has no summary yet. FOLLOW ME ON YOUR WATTPAD ACCOUNT Just open, add to your reading list, read, comment, vote, and share. Hindi ito horror yan lang ang tinitiyak ko sa inyo hahahaha. At dahil Untitled Story ito, sa mga susubaybay magco...