[ JARRED CHAIX'S POV ]
''Take your hand off me Jacob'' Sigaw na narinig ko pagka-labas ko nang kwarto ko. Agad ko itong pinuntahan. At dahil nga malapit lamang ang pinanggalingan nang tunog agad ko itong natunton.''Jacob ano bang nangyayari sa'yo? Nababaliw ka na ba ha?'' Sa pag-sigaw ulit nang babae nakita ko si Jacob na inihambalos si Earth sa pader. F*ck! What's on his mind? sa nakikita ko nakukuyom ang mga kamao ko sa galit.
''Aaaak! Baliw ka na talaga'' Muling sigaw ni Earth. Gusto ko na silang lapitan pero di ko magawang ihakbang ang mga paa ko. Pero ang totoo, kanina ko pang napatay sa utak ko si Jacob.
''Oo baliw na baliw ako sa'yo EVE''
''Bitawan mo ako, nasasaktan ako'' Patuloy lamang ang pag-sigaw nya''Sumosobra ka na talaga'' Rinig ko sa tono nang pananalita nya ang pang-hihina. Hayop ka Jacob hindi kita mapapatawad. Nakita ko naman na parang natauhan ang demonyo kong kapatid sa ginagawa nyang pananakit kay Earth. Parang wala sya sa katinuan kanina. Parang hindi sya ang Jacob na kilala ko. Matino at hinahangaan nang lahat. ''Ihatid mo na ako sa kwarto ko'' Pagka-sabi ni Earth nakita ko namang parang sumunod lang si Jacob. Nakita ko naman na inihatid sya sa kabilang building. Pasensya na Earth. Hindi ko alam na ganito ka nya itrato.
Hindi na ako sumunod pa sa kanila. Hinintay kong lumabas ang kapatid ko. Hindi naman ako nabigo sa pag-hihintay dahil ilang sandali lamang ay lumabas na din sya. Agad ko syang nilapitan
''What?'' Seryosong tanong nya pero wala akong nagawa kundi
Booogshhh
Sinuntok ko sya sa mukha na ikinatumba nya sa buhanginan.
''Aaack ano bang problema mo? Inaano ba kita Jarred?''
''Bakit mo sinaktan si Earth? Ha? Sabihin mo!'' Sigaw ko sa kanya habang hawak ko ang kwelyo nya na kasalukuyang nakahiga pa din at iniinda ang sakit na gawa nang suntok ko sa pisngi nya.
''Ano bang pinag-sasasabi mo? Wala akong ginagawang masama sa kanya''
''Sinungaling! Nakita ko ang lahat baliw! Tandaan mo Jacob kahit kailan hinding-hindi mapapasaiyo si Earth. Ilalayo ko sya sa isang tulad mong Psychotic!'' At ibinalibag ko sya at tumayo na ako. Niyurakan ko sya sa galit ko. Alam kong hindi sya makakalaban dahil lampa syang baliw sya. Kapatid ko sya pero hindi ko matiis ang nakita kong pananakit nya kay Earth. Pero, posible kayang hindi lamang ito ang pagkakataong sinasaktan sya ni Jacob? Earth, bakit mo ba inililihim ang lahat?
Nagpalipas lamang ako buong magdamag sa kwarto. Wala e, hinihintay kong kumilos si Earth pero parang walang base kaya itinulog ko na lamang ito.
Madilim na nang magising ako at paglabas ko napansin ko na maingay sa gazzebo kaya pumunta na ako. Doon nakita ko si Cielo, Kyle, Sam at Earth? Dali-dali akong nagtatakbo papunta doon. Agad kong nilapitan si Earth.
''Sh*t! Ano bang pinagg-gagawa nila?'' Napasigaw na lamang ako sa aking sarili habang inaayos ang langong-langong si Earth.
''Shit ka syan JC e t*ngn* pre, hina paya nang syota moh sha inyuman eh'' Shhh humanda ka sa akin bukas Sam. Nagawa mo pa talagang makapag-comment sa lagay mong 'yan?
Inayos ko na ang babaeng bubuhatin ko. Piniggy back ko sya.
''Grabe, ilang kilong bituka na ba ng baboy at manok ang nakain mo at ganito ka kabigat?'' Shh ang bobo ko. Tulog na nga pala ang kausap ko.
''Ishang miyon na nyataeh'' Napatawa naman ako sa pag-sagot nya. Mapagtripan kaya?
''Ano bang pangalan mo?''
BINABASA MO ANG
After Promises
Teen FictionThis story has no summary yet. FOLLOW ME ON YOUR WATTPAD ACCOUNT Just open, add to your reading list, read, comment, vote, and share. Hindi ito horror yan lang ang tinitiyak ko sa inyo hahahaha. At dahil Untitled Story ito, sa mga susubaybay magco...