Chapter 5

238 4 0
                                    

''Ba't kaya absent si Earth kahapon? Sayang nu, di tuloy ako naka-perfect sa quiz''

''Oo nga e, kahit nga nung 2nd grading examination wala din sya. Bagsak tuloy ako''

''Ako nga din e bagsak, pero buong klase pala hehe''

''Parang sinasadya nyang bumagsak sa mga exam at quizzes nu? Bakit kaya?''

''Oo nga e. Kung tutuusin, she's a genious. Nakakapanghinayang''

''Kaya nga girl, wait! Ang pogi ni kuya o''

''Ahm kuya sino po ang hinahanap nyo?'' Tanong nung isa sa mga nag-uusap naestudyante. Nagtry lang ako dumaan dito sa building nang high school. Wala talaga akong balak puntahan si Krung-Krung pero base sa mga narinig ko ito ang section nya.

''Dito ba ang section ni Krun--- I mean ni Earth?''

''Yes kuya, pero wala pa sya eh. May ipapasabi ka ba?''

''Ah wala sige salamat''

''You're always welcome kuya, bye!!!''Sigaw nung estudyante. Grabe ganito ba talaga ako kagwapo at kalakas ang appeal na kahit high school kikiligin. Naglakad na lang ako pabalik nang building namin. Lahat nang estudyante may klase man o wala nagsidungawan sa bintana at nagsisigawan. Parang mga tanga. Mukhang nagkamali ako sa pagaakala ko na nag-iisa lang sya.

Nakarating na ako sa room at pinutakte ako nang tanong nitong dalwa. Kung bakit daw ako absent? Kung saan ko daw dinala yung babae? Kung nakailang rounds daw ba? Kung sexy at kung anu-ano pa. Pero ang worst sa mga tinanong nila is ba't daw di din pumasok si Krung-Krung. Sinabi pa nilang magkasama kami kahapon. Na itinanggi ko kahit totoo. Ayokong makarinig nang pang-aasar sa kanila.

Natapos na ang klase at nasa cafeteria kami ngayon. Favorite place na namin to. Binayaran na kasi namin ang buong kita dito sa table na'to para sa buong buwan. Kaya walang ibang napwesto sa table na'to.

''JC, di mo ba talaga sasabihin kung saan ka nagpunta kahapon?'' Hanggang ngayon yan pa din ang tanong nya. Tulirong-tuliro na ako sa paulit-ulit nyang tanong.

''Hoy Kyle tigilan mo nga ako sa mga kalokohan mo'' Pagsusungit ko sa kanya

''Kasi pre, pakiramdam ko may inililihim ka sa amin di ba Sam?'' At tumango-tango naman si Sam bilang pagsang-ayon nya sa sinabi ni Kyle.

''Sige, kung mangungulit lang din naman kayo bigyan ko na lang kayo nang assignment''

After kong sabihin ang lahat sa kanila dumating naman si Krung-Krung. Dala ang kanyang binalot na ibibigay sa akin. Medyo nasasanay na din ako sa araw-araw nyang ginagawa. Di na din ako na-order nang food dito dahil nagustuhan ko na din talaga ang mga hinahanda nya para sa akin. Iba't-iba pero masarap. Lagi akong busog at solve, minsan kulang pa. Masaya naman sya sa pagkain ko nang mga dala nya. Sa kanya ko lang yan nararanasan. Ang ipaghanda nang pagkain na may kasamang pagmamahal. Hindi yung luto ni Tanda na inihahanda nya lang dahil nagt-trabaho sya sa bahay.

Kinabukasan

''Pre,pasensya na walang napala ang investigation team ni papa e. Parang mga ayaw magsalita.'' Sabi ni Sam. Paanong ayaw magsalita?

''Kahit kung saan nakatira? Walang impormasyon tungkol sa lugar na tinitirhan nya?''

''Oo pre''

''Imposible mga pre, hindi pwedeng mag-exist ang isang tao nang walang identity'' Paliwanag ko sa kanila.

''Pre, kahit ako walang nalaman e. Personal akong nagtanong sa mga estudyante, high school teachers, at kahit sa guards pero wala e. Parang ayaw magsalita. Nagtataka nga kami kung paano sya nakapasok dito na walang nakakaalam nang kahit na anong tungkol sa kanya maliban sa pangalan nyang Earth Victoria Evan'' Paliwanag naman ni Kyle. Bakit napaka-ilap mo? Sino ka ba talaga Earth?

''Wala na ba talaga?''

''Pre, kung itanong mo na lang sa kanya ang gusto mong malaman?'' Sam

''I tried, pero ngumingiti lang sya''

''W-what? Anong klaseng tao ba sya? Pa-mistery type ah'' Kyle

''Kaya nga nahihiwagaan ako sa kanya''

''Hayaan mo pre, madami kang malalaman sa date nyo''

''Paano?''

''E di lasingin mo''

''What? No! Minor pa yun e''

''E di sundan mo kapag umuwi na'' Napaisip ako sa suggestion ni Sam. Pwede kong gawin ang sundan sya. Bakit nga ba hindi ko agad naisip gawin yun nung una pa lamang?

''Pre, salamat'' At tinapik ko ang balikat nya.

''Haha ganyan talaga genious. Ouch''

''Yabang mo'' Sinapok kasi ni Kyle si Sam.

''Wag ka ngang manapok''

''Yabang mo kasi''

Nag-isip ako nang mga bagay na pwedeng gawin. Itong dalwa naman parang mga batang walang tigil sa pag-aaway. Grabe mga isip-bata.

Sa isang araw na ang date namin. Di ko alam kung sisiputin ko sya sa Saturday. Nakakahiya kasi syang kasama although masaya akong nandyan sya sa tabi ko. Isa ring rason ang pakiramdam na parang nahuhulog na ang loob ko sa kanya and yun ang hindi pwedeng mangyari. Babaero ako at ang isang mabuting batang tulad nya ay ayaw kong ako mismo ang unang makasakit sa damdamin nya. Alam ko na dadating ang oras na mag-hahanap ako nang iba dahil player ako. Pero, yung feeling ko sa kanya, iba talaga.

I don't wanna fall-inlove with her.

After PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon