Alam nyo bang last day ko na ngayon?
As far as I know, bukas na ang balik ni Jacob. He needs to know about me and his brother. I'll tell him, at hindi ko na iyon patatagalin pa.
Nasa class na ako ngayon and as usual hindi na naman ako nakikinig sa prof kasi you know, I heard the lectures for the nth time and saulong-saulo ko na 'yon. Ang pinag-kaiba lang ngayon ay ipinapasa ko na ang mga examinations and quizzes ko. Gusto ko nang maka-alis sa high school. Ghad! Dinaig ko pa ang inabutan nang K+12 eh. Almost 8 years yata akong nasa high school bukod pa nung hanggang grade 8 ako sa states.
''Uy Earth? Kamusta naman yang ngiting yan?'' Ha? Anu daw sabi ni Chich? Kaya I gave her a-what-do-you-mean look. ''I said, napapaano ka't mag-isa kang ngumingiti?''
''Ahhh, hehe wala lang 'to may naalala lang ako'' Actually naalala ko yung kahapon. Di ba nagpunta ako sa condo ni Jarred Chaix kahapon? So ang nangyari kasi kahapon is nag-movie marathon kami nang Saw. Mula 1 to 6 yata ang natapos namin. Natatawa talaga ako kapag naaalala ko yung kahapon. Sa character nya kasing very tough? Tila nawala yata nung nanunuod kami nang horror haha. Ginagaya ko pang magsalita si Jigsaw haha. Alam nyo bang si Jarred Chaix ay grabe makataklob nang mukha nya nang unan? Grabe nanlalamig din yung kamay nya. He is so cute sa side nyang matatakutin.
''Baka naman sya ang naaalala mo?'' Ha? Ano daw? ''Hey Earth?''
''Ha?'' Tapos ngumiti sya at iiling-iling sabay turo sa may pintuan. There he go. Nakita ko syang nakatingin sa akin and smiled heavenly. So I smiled back.
''O sino pang iniisip mo? Eh nandyan na si kuyang pogi e'' Haha grabe naman itong si Chich e. Inayos ko na ang gamit ko.
''Chich naman e. Uy bye na'' Tapos she smiled.
''Dito muna ako, madami pa akong gagawin e.''
''Sige'' Then lumakad na ako sa may pinto.
''Are you ready?'' Tanong nya. And dahil hindi ko na-gets ang ibig nyang sabihin.
''Ha?''
''Tsk, don't ask'' Nyek? Ako tinanong kung ready daw ako tapos nung ako naman ang nag-tanong biglang don't ask bakit naman ganoon? Bigla pa nya akong hinawakan sa kamay at hinila. Habang naglalakad kami kita ko ang maaliwalas nyang mukha. Para pa ngang bahagyang naka-smile sya e.
''Magl-lunch na tayo? I have something to eat'' Pero hindi naman nya ako pinansin or kahit lingunin man lamang. Sumakay na kami nang kotse nya and inayos nya yung seatbelt ko. Then yun he drives na. ''Saan tayo pupunta Jarred Chaix?'' But he just gave me a sweet smile. Tiningnan ko na lang ang daan. Parang pa lucena ito a. Saan ba talaga nya balak pumunta? E nagugutom na ako. ''Jarred Chaix, pwede bang kumain muna tayo? Sayang ito e'' Tapos itinaas ko yung dala kong paper bag.
''Mamaya na lang Earth, mabilis lang ang viaje promise'' Hay. Gutom na kasi talaga ako. Pero sige na nga. Hindi naman ako makulit e. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagd-drive sya at minsang susulyap sa labas nang bintana. Naaalala ko sa kanya si papa nung nasa States pa kami. Bigla na lang kasi syang mag-yayayang mamasyal but then hindi naman nya sasabihin kung saan ang lakad namin. And there it goes, mapupunta na lang kami sa isang magandang lugar. Its either amusement park or beach. Yeah, ganun si papa. Ready ka man o hindi mage-enjoy ka pa rin. Napansin ko naman ang daan at parang Quezon Province Na'to ah. Madami nang palayan at tyaka ang lawak nang lugar. Kapag tumingin ka sa mga palayan dito parang walang katapusan ang makikita mo. Puro green at brown. Green sa mga hindi pa naaani at brown sa mga tuyo na. May mga windmills din naman kahit papaano.
BINABASA MO ANG
After Promises
Fiksi RemajaThis story has no summary yet. FOLLOW ME ON YOUR WATTPAD ACCOUNT Just open, add to your reading list, read, comment, vote, and share. Hindi ito horror yan lang ang tinitiyak ko sa inyo hahahaha. At dahil Untitled Story ito, sa mga susubaybay magco...