Chapter 6

240 3 0
                                    

Saturday na and ngayon yung dream date ni Krung-Krung with me but I've decided not to be with her today. Napag-isipan kong walang mangyayari kung ma-fall ako sa kanya. Ngayon, I'll try na iwasan na lang sya kahit sa school although I know na kahit mapasaan man ako pumunta bigla na lang syang susulpot. Pero kung mangyari man yun ipagtatabuyan ko naman sya. Walang pwedeng mamagitan sa aming dalwa.

Nagtext ako kina Sam at Kyle. Sinabi kong magclub kami ngayon at hindi naman ako nabigong kumbinsihin sila. Bandang alas tres nang hapon nang magkita-kita kami sa club. Kasama nila sina Trish at Erish. Magkapatid yun na shinota nilang dalwa.

Malakas din silang mag-inom kahit ke-babaeng tao. Si Krung-Krung kaya nag-iinom din? Hayst bakit ko ba sya iniisip ngayon? Tiningnan ko ang relo ko at Pass 6 na. Umuulan sa labas at lampas na sa napag-usapang oras namin kaya siguradong kanina pa syang umuwi. Pero may bigla akong naalala. . .

''Syanga pala, sa Saturday huh? Mag hihintay ako sa'yo''

Napatayo na lang ako sa kinauupuan ko na ikinagulat nilang lahat.

''Pre, saan lakad mo?'' Tanong ni Kyle pero di ko na sya pinansin pa.

Sumakay agad ako sa kotse at nagsimula nang magdrive papuntang school. Nanlalabo ang mata ko sa dilim at lakas nang ulan sa labas. Mahirap magdrive kapag ganito ang panahon. Sana wala sya dun. Sana hindi nya ako hinintay. Sana hindi sya marunong tumupad sa usapan. Sana, sana mali ako sa pag-asang nag-aantay sya sa pagdating ko sa date namin.

Nakarating na ako nang school. Madilim at walang mga tao. Natural lang dahil Sabado ngayon. Isang ilaw lang ang meron at yun ay malapit sa gate.Hindi muna ako bumaba. Sinisilip ko kung nandun sya sa may gate pero mukhang walang tao. Hindi sya tanga para maghintay sa isang lalaking katulad ko sa ilalim nang malakas na ulan at madilim na lugar. Kaya naman nang masigurado kong walang Krung-Krung na nag-hihintay sa tapat nang gate nang school, napagpasyahan ko nang umalis.

Pinaandar ko na ang kotse ngunit nang makalampas ito nang bahagya sa gate nang school nakaramdam ako nang kaba, takot, at galit. Inihinto ko ang kotse at sinilip mabuti ang isang sulok nang gate, at doon nasilayan ko ang isang batang babae na basang-basa na nakaupo at nag-hihintay sa isang tangang tulad ko. Katangahan na nag-hintay sya pero mas katangahan na pinaghintay ko sya.

Dali-dali akong bumaba nang kotse, di alintana ang lakas nang ulan. Ramdam ko ang lamig sa kakaunting patak nito sa balat ko, pero mas lalo naman sya di ba?

Nasa harapan na nya ako pero nanatili syang nakatungo. Di ko alam kung napansin nya akong dumating.

''Krung-Krung'' Tawag ko sa pangalan nya ngunit wala akong nakuhang tugon mula sa kanya.

''Hoy tumayo ka na nga dyan! Di mo ba nararamdaman ang ulan?'' Di pa din sya kumikibo.

''Iiwanan kita pag hindi ka pa tumayo dyan!'' Pero walang epekto. Para akong nagsalita sa hangin. Nararamdaman ko na ang unti-unting pangangatal nang katawan ko dahil sa lamig dulot nang malakas na ulan. Kaya naman, umupo ako sa harapan nya. Nakita ko ang maamo nyang mukha pero nakapikit sya. Ang mga kamay nya ay nakayapos sa sarili nyang katawan. Ang kulot nyang buhok tila naunat na. Nanghihina ako sa nakikita ko ngayon. Bakit hinayaan kong magkaganito sya?

Kung iiyak man ako walang makakapansin. Malakas ang ulan, madilim, at walang tao, maliban sa aming dalwa.

Bakit ko ba ginawa to sa kanya? Nag-iisang tao na nagbigay importansya sa isang tulad ko pero itinutulak ko palayo sa akin. Ngayon ko talagang napapatunayan na masama akong tao. Wala akong sinisino. Walang exemption sa mga katangahan ko sa buhay. Ayoko nang maging ganito. Ayoko nang maging makasarili. Dahil ako din mismo ang nasasaktan.

Habang tinitingnan ko ang mukha nya, naaalala ko lahat nang kabutihan nya sa akin. Simula pa lang noong una, hindi nagbago ang pakikitungo mo sa akin at, hanggang ngayon at sa oras na ito, pilit mong pinapatunayan na mahalaga ako sa'yo, at lalo mo din akong pinapahirapan na lumayo sa'yo.

Hinawakan ko na ang kanyang mukha.

''Krung, uuwi na tayo. Gising ka na'' Sabi ko sa kanya sa kalmadong boses. Pero mukhang di sya magigising sa simpleng mga salita at mahinahong boses.

''Krung-Krung, halika na. Tayo ka na dyan'' At sa pagkakataong ito. Unti-unti kong nakita ang pagmulat nang kanyang mga mata. Napatingin sya sa akin at parang tinatanong kung bakit ang tagal kong dumating. Subalit unti-unti syang ngumiti. Yan na naman ang ngiting ayaw kong tingnan. Dahil sa twing nakikita ko ang ngiting taglay nya, hindi ko din maiwasang mapangiti.

''Dumating ka Jarred Chaix'' At dahan-dahan nya akong niyakap ''Hindi mo ako binigo'' Naramdaman ko ang init nang mukha nya na nakadikit sa pisngi ko. Hindi simpleng init. Init ito nang may sakit.

''May lagnat ka Krung-Krung'' Humiwalay ako sa pagkakayakap nya pero ngumiti lang sya. Sa lahat ba nang pagkakataon sa buhay nya ngingiti lang sya? Nasobrahan naman yata ang pagiging positive nya.

''Dadalhin kita sa ospital''

''Uuwi na lang ako''

''Bakit ayaw mo?''

''Hinahanap na ako sa amin e''

''Ihahatid kita''

''Wag na Jarred Chaix, sapat na sa akin na tumupad ka sa pangako''

Naguilty naman ako sa sinabi nyang iyon. Sa totoo lang wala naman talaga akong balak tuparin ang napagusapan. May kakaiba lang talaga akong naramdaman.

''Basta, dadalhin kita sa ospital'' Tatayo na sana ako kaya lang bigla nya akong hinila pabalik at doon

Ibinigay nya sa akin ang unang halik mula sa isang bata.

After PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon