Kakatapos lang nang first 3 subjects namin and as usual, nakain ulit kami dito sa cafeteria.
''JC nakakaasar ka kahapon, di ka pumunta'' Si Kyle na inis talaga ang itsura nya. ''Sayang talaga, di mo sila nakilala'' Dagdag pa nya.
''Psh'' At nagsmirked lang ako.
''Pre, si Krung-Krung yun di ba?'' Sabay turo ni Sam sa labas. Nasa second floor nga pala ang cafeteria dito kaya kita namin ang buong field sa labas plus glass window pa dito. Napatingin naman ako sa itinuro nya at nang makita ko na hawak ang braso nya nang isang lalaki, agad akong napatayo sa kinauupuan ko at di ko ma-control ang sarili ko. Rinig ko ang pagtawag nina Sam and Kyle pero wala. Wala akong madinig at maramdaman kung hindi ang inis. Hanggang sa marating ko yung lugar kung nasaan sila. Nakatayo lang ako nang di kalayuan. Tamang-tama para madinig ko ang usapan nila.
''Earth, pumayag ka na kasi. Isang gabi lang naman e''
''Bitawan mo na lang ako Joshua. Hindi ako sasama sa'yo''
''Bakit ba kasi ayaw mo? Hindi naman kita papabayaan doon e''
''Basta ayoko, bitawan mo na lang ako please, Joshua''
Nanggigigil ang mga kamao ko. Bakit ba nya pinipilit si Krung-Krung? Naramdaman ko naman na may humawak sa dalawang balikat ko.
''Pre, relax lang.'' Sabi ni Sam sa akin.
''Pre, wag mo na syang pakialaman. Hindi sya sa'yo'' Dagdag pa ni Kyle. What does he mean na hindi sya sa akin? Parang nakaramdam ako nang karayom na tumutusok sa puso ko.
''Wag kang umastang boyfriend'' Sabat ulit ni Sam. Lalong nag-iinit ang dugo ko sa mga gatong nitong dalwa.
''Joshua, bitawan mo na ako nasasaktan na kasi ako'' Pagkarinig ko sa sigaw ni Krung-Krung, hindi na ako nakapagpigil pa. Maging sina Sam and Kyle walang magawa. Nilapitan ko yung lalaki at hinigit ko yung collar nya at binigyan sya nang isang malakas na suntok sa mukha.
''Sinabi na nyang bitawan mo sya, ba't ayaw mong bitawan ha?'' Singhal ko sa lalaki.
''Pakelam mo ha? Sino ka ba?'' Tanong nya. Hindi na lang ako nagsalita dahil di ko naman alam ang sasabihin ko e. Bagkus ay sinuntok ko sya na ikinatumba nya sa damuhan.
''Pre, tama na''Awat ni Kyle pero patuloy pa din ako sa pagsuntok.
''Pre, hayaan mo na kasi''Dagdag pa ni Kyle.
''JC, sinabi nang tumigil ka na'' Paulit-ulit nilang sigaw habang umaawat sa pag-gulpi ko sa lalaking kasama ni Krung-Krung. Nasa ilalim ko na ngayon sya at nakaupo ako sa katawan nya at walang humpay na pinagsusuntok ang mukha nya. Ngayon pa lamang hindi na sya makilala paano pa kapag namaga?
''Pre, tama na yan''
''JC, tara na nga'' Pero di pa din nila ako maawat hanggang sa
''JARRED CHAIX TAMA NA YAN!'' Takot na sabi ni Krung-Krung. Kaya naman ako, parang de-battery na laruan na na-discharged. Ang huling suntok ko ay natigil. Tiningnan ko ang mukha nang lalaking ginulpi ko. Gwapo sya kanina kaya lamang di na madescribe ang itsura nya ngayon.
''Pre, buti naman at naawa ka pa dyan sa bata'' Unti-unti akong tumayo at humarap kay Krung-Krung.
''Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo?'' Nag-aalalang tanong ko sa kanya kaya lamang ang sama nang tingin nya sa akin.
''Ba't mo yun ginawa?'' Mariin at parang galit nyang tanong sa akin.
''What do you mean?''Di ko sya maintindihan sa tanong nyang iyon na para bang ako pa ang masama ngayon.

BINABASA MO ANG
After Promises
Fiksi RemajaThis story has no summary yet. FOLLOW ME ON YOUR WATTPAD ACCOUNT Just open, add to your reading list, read, comment, vote, and share. Hindi ito horror yan lang ang tinitiyak ko sa inyo hahahaha. At dahil Untitled Story ito, sa mga susubaybay magco...