Chapter 36

310 8 0
                                    

''Saan ba tayo pupunta?'' Tanong nya sa akin. Lately nagtataka ako sa kanya. Sa pags-stay namin dito nang almost two weeks naging makulit na sya at pala tanong. Alam nyo ba yung feeling na gusto mo syang i-surprise but then nangungulit syang sabihin mo yung surprise mo sa kanya, sa tingin nyo ba mas-surprise pa sya kapag sinabi ko? Di ba hindi?

''Please, wag kang makulit. Kanina pa yan. Nagiging Krung-Krung ka na naman eh.''

''Nag-tatanong lang'' Sabay nag-pout sya nang lips nya. Hay ano bang nakain nito kanina at nagkaganito ito? Eh scrambled egg and rice lang naman breakfast namin. Ahhh baka may extra energizer yung asin o kaya oil na ginamit. Ahhh basta ang kulit nya. Sandali syang natahimik. Pero, sandali lang iyon ha. ''Saan kasi tayo pupunta'' Hay . . Oh Lord mahal ko po ang babaeng kasama ko sa mga oras na ito pero sana po kahit 5 minutes huwag muna syang makapag-salita? Hehe papaka-bad lang kahit 5 minutes. ''Uy! Imik ka naman dyan Jarred Chaix'' Mukhang mahina ako kay Lord ah.

''Basta'' Inis kong sabi. Nakakainis naman kasi talaga. Kasi ako, nawawala yung excitement sa ginagawa nyang pangungulit. ''Malapit na tayo''

Habang nagd-drive ako napansin ko na naman yung kotse na parang sumunod sa akin a weeks ago. Inakala kong coincidence lang pero ito ba nagkakataon lang din? Parang kami talaga ang sinusundan. Binagalan ko ang takbo nang kotse pero bumagal din ang itim na kotseng nasa likod namin. Kung tutuusin pwede syang mag-over take dahil malinis ang kalye. Walang ibang sasakyang nadaan dahil nga pabundok ito. Nakakapagtakang hindi ito nag-over take.

''Jarred Chaix?'' Nawala ako sa pag-iisip nang kung anu-ano nang hawakan nya ang mga kamay ko. ''Mag-ingat ka sa pagd-drive mo. Sinusundan ba tayo nung nasa likurang kotse?''

''Wag mong intindihin yun''

''Baka'' Hindi ko na pinatuloy ang sasabihin nya.

''Huwag kang mag-isip nang kung anu-ano. Malayo na tayo sa kanila. Hindi na nila tayo masusundan dito'' Kailangan kong palakasin ang loob nya kahit na ako mismo ay napakalakas nang pakiramdam na sila nga ang nakasunod na kotse. Pero sana, sana lang ay nagkakamali kami ni Earth sa aming hinala.

''Hay'' Nadinig ko ang buntong-hininga nya. Hinawakan ko ang isang kamay nya.

''I love you so much Earth. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa kapag nawala ka ulit sa akin. Maraming beses ka nang nawala at hindi ko na hahayaang pag-hiwalayin pa nila tayo. Gagawin ko lahat at sana ganun ka din Earth.''

''Pangako''

''Mag-tutulungan tayo ha?''

''Oo Jarred Chaix'' At mas hinigpitan nya ang pag-hawak sa kamay ko. Hindi ko naman napansing nandito na kami sa tapat nang souvenir shop ni Cholo. Yung lalaking kumausap sa akin dati. Natatandaan nyo ba? Sa chapter 36 lang yun. So ayun nga. Nakita ko syang papasok sa loob kaya't tinawag ko na agad sya. Lumapit ito at ngumiti, kay Earth. Hay iba na kasi ngayon. Maganda na sya at malakas ang dating sa kahit na sinong makakita sa kanya.

''Sya na ba pare? Swerte ah! Bagay kayo hehe''

''Oo pare, baka naman pwedeng''

''Oo pare, di ba sabi ko sa'yo puntahan mo lang ako dito at sasamahan ko kayo?''

''Ahehehe salamat''

''Ako nga pala si Earth'' Nagulat kaming dalwa ni Cholo nang biglang nagpakilala si Earth sa kanya at hinihingi ang kamay nito upang makipag-kamay.

''Cholo binibini'' Akmang hahalkan na nya ang kamay ni Earth nang palangin ko ito.

''Hep hep! Barriers please hehehe'' Sabi ko.

After PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon