Grabe sa lakas nang topak ang mga classmates ko ngayon ah. Todo sila papansin sa akin ngayon. Hindi naman sila ganyan dati dahil ang tawag pa nga nila sa akin ay mad scientist. Ewan ko ba sa kanila. Porke't ganun ang itsura ko dati at genious daw ako ganun na lang kung tawagin nila akong ganun, though minsan lang naman yun. Then now they see me as a woman, ganyan na kaganda ang pag-trato nila sa akin? Hay! In fact I don't want attentions like this. I want my life to be peaceful and private. Hindi ko pinangarap ang maging sikat. Dahil ang gusto ko ay mahalin din ako ni Mommy pero failed ako dun. Surrender na. Wala nang pag-asa. Tapos kapag minamalas ka nga naman, yung taong mahal mo ay ang dapat ikakasal sa'yo nag back out kasi hindi din nya alam na ako yung ikakasal sa kanya. Tapos planado palang lahat nang Mommy ko. So it means sinadya nya. Hay bakit ba ganun si Mommy?
Awasan na and si Dino ang susundo sa akin ngayon. Mas gusto ko na sya na lang lagi kaysa kay Jacob. May sira yata ang utak nun. Mahal daw nya ako pero sinasaktan naman nya ako.
Palabas na ako nang gate nang school at nakita ko naman agad ang kotse na minamaneho ni Dino. Papalapit na ako dito a. bubuksan na ang pinto nang biglang
Booogshhh
Napatigil ako sa gulat at napatingin sa bumanggang kotse sa likuran nito. Grabe pisngot yung likod nang kotse. Lagot nito si Dino pag-dating sa bahay. Napasimangot naman ako nang makita ko kung sino ang sakay sa kotseng walang pakundangan kung magmaneho at nandamay pa. Bumaba agad si Dino mula sa driver's seat.
''EVE ayos ka lang?'' Nag-aalala nyang tanong. ''T*r*nt*do ka! Wala ka bang mata? Lumabas ka dyan''
''Naku Dino 'wag na'' Awat ko dito kaya lang lumabas naman si Jarred Chaix mula sa kanyang sasakyan. Hindi nito pinansin si Dino. Kaya lang hinatak ni Dino ang polo ni Jarred Chaix. Naku po! Wag naman dito!
''Back off'' Kaya lang naitulak ni Jarred Chaix si Dino.
''Bastos ka ah. Anong gagawin mo sa sinira mo?''
''Just talk to my lawyer. Get inside'' Hindi ko na namalayang nasa harapan ko na pala sya at nagmadali syang pinagtulakan ako papasok nang kotse nya.
''Hey saan mo dadalhin si EVE?''
''Shut your fishy mouth'' Then pumasok na sya sa loob. Si Dino kinakalampag ang bintana ng kotse ni Jarred Chaix pero parang balewala lang ito sa kanya.
''Jarred Chaix gusto ko nang umuwi at pwede ba kay Dino ko gustong sumakay''
''Pag hindi mo itinikom ang bibig mo hahalikan kita''
''Napaka sama mo talaga pakawalan mo nga ako dito. Alisin mo yung lock nito''
''Ang kulit mo ah! Sinabi nang tahimik!''
''Palabasin mo na kasi ako dito. Naman eh!''
''Isa pa talagang hahalikan na kita! Rinding-rindi na ako sa kakasigaw mo eh''
''Kasi naman eh palabasin mo na ako! Help! Help! Dino basagin mo yung bintana dali!''
''Kahit mags-sigaw ka dyan walang makakarinig sa'yo kahit yang tipaklong na'yan'' Tipaklong? Luko 'to ah ang gwapo kaya ni Dino. Shhh
''Tulong! Tul*******'' Hindi ko na naituloy ang pag-sigaw ko kasi, kasi uhm yung banta nya, ayun itinuloy nya. Sheez! Alam nyo bang maduling-duling na ako dito? Kasi naman sa sobrang pag-kabigla ko hindi ko na alam ang ir-react ko. Si Dino tila natigilan din sa pangangatok sa bintana. Tapos
Click ( Hindi yan tunog nang picture ah. Haha)
Bumitaw na sya sa pagkakagalik sa akin at kita ko sa kanyang ngiti ang pang-aasar. Grabe!
''Ano? Magss-sigaw ka pa? Okay lang sa akin ewan ko lang sa'yo kung gusto mo pang tikman ang lips ko haha'' Ang mean talaga nya. ''Let's go my dear?'' Then inatras na nya yung kotse tapos pinaandar na nya ito. Napatingin ako sa manibela and bakit ganoon? One handed lang sya? Hinabol ko nang tingin yung right hand nya and ngayon ko lang narealize na
''Ba't nakaposas ako? Sa'yo?'' Nakita ko namang ang pag-ngiti nya nang simple. ''Uy Jarred Chaix hindi 'to magandang biro ah. Pakawalan mo nga ako''
''Ayoko nga''
''Ano? Bakit mo ba 'to ginagawa ha?''
''Kasi lagi mo akong iniiwasan''
''Kasi . . Ano kasi. . Pakawalan mo na lang kasi ako!''
''Ayoko nga sabi! At tyaka magpupumilit kang umalis kapag wala kang posas. For at least makakasama kita''
''Traydor!'' Bigla nyang inihinto yung kotse na kinauntog ko sa salamin. Ouch ha! Wala man lang pasabi! ''Ano ba naman yan?'' Tapos lumapit sya sa akin nang as in malapit. Yung mukha nya sobrang lapit na naman kaya pumikit na lang ako kasi baka ulitin na naman nya yung ginawa nya kanina. Yung puso ko parang lulundag sa sobrang lakas nang pagtibok nito. Kaya lang narinig ko ang mahina nyang pag-tawa.
''Wag kang assuming. Inaayos ko lang ang seatbelt mo haha'' Napamulat ako at oo nga! Haha ang feeling ko naman. Kaso sayang chos! Haha! ''Grabe ka! Hinihintay mo nu''
''Hindi nu! Ang kapal!''
''O yan okay na hindi na madadagdagan ang bukol mo haha'' Tapos pinaandar na naman nya yung kotse. Pero, Ha? Anung hindi na madadagdagan? Napasapo ako sa noo ko and nakapa ko ang malaking bukol? Sheez! Tiningnan ko ang noo ko and oo nga ang laki nang bukol ko. Ampanget naman eh. ''Don't worry hindi magbabago ang pagmamahal ko sa'yo kahit buong katawan mo pa ang magka-bukol haha'' Mapatingin naman ako sa kanya at sya?
''Hahahahaha joke lang. Hindi ka na mabiro e haha''
''Bakit ba kasi bigla-bigla ka nalang nagp-preno?'' Tapos yan na naman ang prenong yan ''Oh? Paulit-ulit?'' Tiningnan ko sya pero seryoso lang syang nakatingin sa unahan.
''Hindi ako traydor Earth'' Bigla akong kinabahan sa paraan nya nang pagsasalita. ''Kahit kailan, hindi ako nang-traydor nang tao. Hindi din ako nanloko. Masama man ako noon, at least nakita nila ang totoong ako, ang totoong ugali ko, kung sino talaga ako. Hindi ako nagsinungaling sa kahit kanino.'' Napatameme na lamang ako. Parang ako yung pinapatamaan nya. Sinungaling. Ako yun at alam ko yun. Wala talaga akong balak sabihin sa kanya ang lahat dahil wala naman sa plano ko dati ang makaganito. Hindi ko inaasahan na dadating kami sa sitwasyong ito. ''Ui 'wag ka ngang ka-seryoso dyan? Haha! Wag mo na ngang isipin ang mga sinabi ko'' Tapos pinaandar na nya ulit yung kotse. Hindi na ako nagsalita pa. Parang sinaksak ako dito oh! Direkto sa dibdib ko. Ang hirap huminga. Hay.
BINABASA MO ANG
After Promises
Novela JuvenilThis story has no summary yet. FOLLOW ME ON YOUR WATTPAD ACCOUNT Just open, add to your reading list, read, comment, vote, and share. Hindi ito horror yan lang ang tinitiyak ko sa inyo hahahaha. At dahil Untitled Story ito, sa mga susubaybay magco...