A Months after - The New Chapter
[ JARRED CHAIX'S POV ]
Naalala ko na naman ang eksaktong itsura ni Krung nung time na umiiyak sya sa train. Wala akong nagawa kundi ang bantayan sya sa malayo. Tingnan ang pag-iyak nya habang ang lahat nang tao ay parang walang nangyayaring ganito. Ginusto kong lapitan sya ngunit hindi ko ginawa dahil alam kong mas gugustuhin nyang makapag-isip. She needs time, that's why I'll give the time she needed. Sinundan ko sya hanggang sa pumara sya nang taxi. Siguro uuwi na sya. Wala na akong lakas pa nang loob na sundan pa sya. Mukhang mali ang naging desisyon ko na pag harap-harapin ang mga kasali sa istoryang ito.
Nalaman ko ang lahat dahil sa mga napagtagni-tagni kong pangyayari. Una pa lang ay nung natanong ni Jacob kung may kilala akong Evan ang apelyido at si Krung ang una kong naisip. Pangalawa tinawag ni Cielong EVE si Krung. Pangatlo yung pagsundo ni Jacob kay Krung na dahilan kung bakit di ko sya nakikitang palagi. At ang pinakanagpatunay sa lahat ay ang mismong nakita nang dalwa kong mga mata ang lunch date nilang dalwa. Naalala ko pa ang nakita ko noon na si Jacob ang nag-hatid sa kanya dito sa school. Kaya nga, sa twing akto na nyang sasabihin ang lahat, pinipili ko na lamang huwag itong marinig. Mahal ko si Krung, at alam ko na hindi nya ginusto ang lahat nang nangyayari.
Buwan na din ang lumipas ngunit hindi ko sya nakikitang pumapasok. Nag-attempt akong itanong kay Jacob ang tungkol sa kalagayan nya pero hindi ko itinuloy. Siguro, hindi pa sapat ang mga panahong lumipas. Iniisip ko na lang din minsan na nahihiya sya sa nangyari. Na kambal pa ang nagkabangga dahil sa kanya. Pero ang pinagsisisihan ko sa lahat? Yung hindi ako nakipagsapalaran kay tadhana. Hindi ko sinubukan. Natakot ako, syempre kung ikaw sa lugar ko mukhang pareho lang ang magiging reaction natin. Tyaka sino ba naman ang makakapagsabi na pwedeng mangyari ang imposible di ba? Nakakapagsisi pa din. Kung alam ko lang sana.
Kaya minsan di ako makapaniwalang mayroong swerte ang bawat tao. Tapos Jesus take the wheel? Na-ah! Guide lang siguro si Jesus at tagapagpaalala na kailangan nating gumawa nang tama at may pag-asa. But at the end of the road, ikaw pa rin ang syang magpapasya kung saang daan ka pupunta. Ikaw ang magd-decide. Kasi its just a matter of choice. If you have given two choices, dapat bago ka pumili you should know the consequences of both choices. Minsan nga kahit na hindi maganda ang kalalabasan nang una, yung mali pa din ang in-insist natin. Why? Kasi gusto natin. Hindi ka pwedeng manisi nang ibang tao dahil ikaw, Ikaw mismo ang gumagawa nang sarili mong kapalaran.
''O JC ayusin mo ang pag-ganap mo dyan ha'' Sabi ni Cielo. Maayos na kaming dalwa. Nagkausap kami after that incident. At dahil sa mga nalaman nya, hindi na daw sya dadagdag pa sa gulo. At yung pag-habol nya sa akin ay tatapusin na daw nya dahil alam nyang walang mangyayari. Pagt-tyagaan na lang daw nyang maging kaibigan kaming tatlong abno. OO abno talaga ang ginamit nyang term. Sinabi nya sa akin ang lahat-lahat nang alam nya tungkol kay Krung-Krung. Mas mabuti sigurong tawagin ko na sya sa pangalan nya. EVE or Earth? Sige mas prefer ko ang Earth. Dahil sa mga ikinwento ni Cielo, nakilala ko si Earth. Mabait, matalino, palangiti at masyadong malihim to the point na kahit hirap na hirap na sya sa problema nya, hindi sya mago-open up sa iba dahil ayaw nyang may mag-isip na ibang tao para sa kanya. Ayaw nyang maka-abala. Ayaw nyang magdamay.
''Opo boss'' Yung sinasabi kasi nyang pag-ganap is yung pagiging Santa Clause ko sa orphanage. Project ito nang section namin this Season. And because its December 1 na, pupunta na kami sa designated area namin. Kailangan ko munang isantabi ang buhay pag-ibig ko upang makapagbigay ako nang kasiyahan sa mga bata. Kailangan kasi bago ka magbigay nang tulong sa iba, cleared ka, I mean wala kang ibang iniisip kundi ang makapagpasaya. Tulad din ito nang pagp-preach. Kung gusto mong magbahagi nang mga salita nang Diyos, siguraduhin mong malinis ang puso mo. Walang galit at hinanakit at dapat punong-puno ito nang pagmamahal. Mas simplehan natin, bago ka magmahal nang iba unahin mo munang mahalin ang sarili mo dahil kung hindi mo kayang mahalin ang sarili mo, paano mo masisigurong magagawa mong mahalin ang iba?

BINABASA MO ANG
After Promises
JugendliteraturThis story has no summary yet. FOLLOW ME ON YOUR WATTPAD ACCOUNT Just open, add to your reading list, read, comment, vote, and share. Hindi ito horror yan lang ang tinitiyak ko sa inyo hahahaha. At dahil Untitled Story ito, sa mga susubaybay magco...