Epilogue

278 2 1
                                    

Nakasakay na kami nang mga bata. For less than an hour lilipad na ang plane na sinasakyan namin. Tanong sila nang tanong about sa sinabi ni Jarred Chaix sa kanila kanina. Ang dami ko nang explanations pero wala padin eh. Ayaw nilang maniwala sa mga explanations ko. Grabe ang kakulitan.

Medyo napagod na din sila sa kakasalita kaya pinatulog ko na muna ang dalwa.

Napaka-tagal nang naging viaje namin. Nang makalapag na kami dito sa US. Dumeretso agad kami kina Cielo.

Kinuwento ko sa kanya ang lahat pero sabi nya mas mabuti na daw ang ginawa ko.

After a few months

Nagising na lamang ako dahil nakapa ko sa kama na wala ang mga anak ko. Natakot ako sa biglang pumasok sa isip ko.

Nagmadali akong tumayo at doon hinanap ang mga bata sa banyo, kusina, at sala. Lumabas na din ako sa garden pero wala pa din eh. Hindi ko sila makita.

Natatakot na ako, naiiyak and at the same time pakiramdam ko anytime babagsak na ako. Magc-collapse. Hindi ko na kaya.

Kinuha ko agad ang cellphone ko at binuksan yung message.

from 0923 *** ****

Unknown number 'to ah. Inopen ko na agad at napaluhod ako sa damuhan nang mabasa ko ang message. Nasa ospital daw ang mga anak ko kasama si Daddy at Cielo. Agad akong tumayo at pinaandar ang kotse. Pinuntahan ko ang pinakamalalapit na ospital dito. Pero wala, wala ang pamilya ko.

Sobra na ang takot na nararamdaman ko, nagdrive pa ako nang nag-drive until ma-reach ko 'yung pang-limang ospital.

Pumasok ako at doon ko nalaman na nandito ang pamilya ko. Pero dinala ako nang mga doctor sa morgue.

Nasa pinto pa lang ako pero parang ni-rugby ang sapatos ko sa semento nang ospital. Pangangatal at pagpapawis ang naranasan ko. Hanggang sa gisingin ako nang doctor mula sa pagiging tulala ko at sinabing pwede ko daw lapitan ang mga bangkay. Pero ayoko. Natatakot ako. Natatakot akong makita ang buong pamilya ko na nakaratay sa mga kamang iyan. Hindi. Sana hindi totoo ang lahat. Sana mali ang mga doctor.

Pero sinamahan nya akong makalapit sa mga pamilya ko. Kung gusto ko daw buksan ang mga puting tela na nakataklob sa kanila ay maaari. Una akong lumapit sa dalwang anak ko. Alam kong sila iyon dahil nararamdaman ko.

Huminga ako nang malalim. Pumikit. At inilabas ang inipong hangin at saka iminulat ang mga mata. Handa ko nang buksan ang mga puting telang nagtataklob sa kanilang walang buhay na katawan. Ang mga kamay ko, it shakes unconditionally. Hindi ko ma-explain ang feelings ko ngayon. Ganito pala kasakit mamatayan nang anak. Apat na taon pa lamang sila pero kinuha na agad sa akin nang may kapal. Ganun na ba ako kawalang kwentang ina? Gusto kong umiyak, gusto kong humagulgol pero parang kalahati nang katauhan kong sinasabing huwag kang umiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Binuklat ko nang sabay ang mga puting tela at bumungad sa akin ang mga anak ko. At sa puntong ito hindi ko na napigilan pa ang pag-buhos nang mga luha ko. Yung pakiramdam mong hinihiwa sa dalwa yung dibdib mo, yung parang pilit kinukuha yung puso mo't lamang loob habang humihinga ka pa, yung kita mo ang lahat nang nangyayari, yung pakiramdam na buhay ka pa pero unti-unti kang pinapatay.

''MGA ANAK KO!'' Sumiklab na ang pagiging ina ko. Gusto ko pang sumigaw pero nauubusan ako nang hininga. Gusto kong sumigaw pero wala nang lumalabas na boses sa bibig ko. Tanging hagulgol ko lamang ang maririnig sa loob nang morgue. Ayoko na. Ayoko nang mabuhay. Ang mga anak ko ,ang daddy ko ,at ang bestfriend ko. Lahat sila, bakit hindi pa nila ako sinama. ''Mga anak ko, daddy bakit? Ano b-bang nangy-yari? Anak ko Jarred, C-Chaze bakit? Waaaah!!!!'' Ano bang ginawa ko't pinarusahan nyo ako?  ''Mahal na mahal ko kayo, isama nyo na lang ako mga anak ko! Chaze, J-Jarred bakit iniwan nyo akong mag-isa? BAKIT!!!!!'' Sandaling humupa ang aking iyak nang narinig akong magsalita. Buong-buo sa aking pandinig.

''Will'' Sabi nung isa. Hindi ko sigurado kung si Chaze. P-pero boses nya yun. Nadidinig ko. Muling tumulo ang mga luha ko nang may nadinig akong muli na isang salita ''You'' Si Jarred yun. Nababaliw na siguro ako.

''Anak ko! Mga anak ko!'' Muli akong nag-wala at paulit-ulit isinigaw ang pangalan nang mga anak ko. Sa kalagitnaan nang aking pag-iyak napansin kong may anino. Anino na ibig sabihin ay mayroong nakatayo sa likuran ko. Hindi ko ito pinansin hanggang sa

''Marry me?'' Parang na-freeze ako sa narinig ko. Kilala ko ang nagmamay-ari nang boses na iyon pero hindi ko muna ito nilingon. Parang may kamay na kumuyumos sa dibdib ko. Medyo nakaramdam ako nang kakaibang kaba. Teka, bakit? At sa pagtataka ko nilingon ko na ang nakatayo sa aking likuran. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.

Bakit sya nandito? Paano nya nalamang nandito ako ngayon? Bakit sya nakangiti?

Parang nawala yung kaluluwa ko sa aking katawan. Hindi ko alam ang ir-react ko gusto kong yapusin sya pero nang lingunin kong muli ang aking mga anak,

''Sh*t'' Napabulong ako sa aking sarili. Nakita ko silang nakangiti sa akin at nag-wikang

''Say yes nanay''  Walang ano anu'y niyakap ko sila. Ano ba itong nangyayari sa akin ngayon? Nanaginip ba ako or what? Bakit parang ang weird nang mga bagay-bagay?

''Mga anak, anung'' Hindi na nila ako pinatapos sa halip ngumuso sila bilang pag-turo sa taong nasa likuran ko. Nang harapin ko syang muli. Nakangiti na naman sya.

''Will you marry me?'' Muli nyang tanong.

''Um-oo ka na. Hirap na akong huminga'' Napalingon ako sa kabilang kamang may taklob pa rin nang kumot. Boses iyon ni Cielo.

''Go ahead darling, follow your heart'' Then si daddy. Napasimangot ako.

''Wait, ano 'to? Set up?'' Tanong ko kaya lang nagulat ako sa sabay-sabay nilang pag-bangon at sinabing

''Ang daming arte o-oo ka rin naman''

''ANG SASAMA NYO!'' Nakakainis sila. Kaya ako'y tumayo na at nag-tatakbo palabas pero hindi.Hindi ko nagawa dahil nahawakan ni Jarred Chaix ang kamay ko. And yes si Jarred Chaix ay nandito.

''Before you leave, I wanna ask you for the third time. Will you marry me?'' Sweet nyang tanong sa akin. Tiningnan ko sya tapos ang mga walang magawa kong pamilya at mga anak na nagawa akong i-set up. Lahat sila nakangiti at naka two thumbs-up pa.

''Gusto ka nilang lahat, ano pa bang magagawa ko?''

[ THIRD PERSON'S POV ]

At doon niyakap ni Jarred Chaix si Earth. Ang kambal, si Cielo pati na rin si King Mattheus ay nagsitayuan na at niyakap sila.

Lumabas na ang lahat at sumalubong sa kanila ang masigabong palakpakan at hiyawan. Pinag-handaan ang araw na ito. Sa lobby nang ospital ay may simpleng salt-salo.

''Happy Happy 27th Birthday Nanay'' Ang bati nang kambal kay Earth. May kasamang mainit na yakap at halik.

''Happy Birthday and I will love you, after forever'' Yan ang sinabi ni Jarred Chaix kay Earth.

                         END

After PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon