[ JARRED CHAIX'S POV ]
Lunes na Lunes bad trip agad ako. Hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari noong nakaraang Sabado. Nakakaasar ang pagkakasabay-sabay nang mga problema ko.
''Pre kamusta ka nung Saturday? Natuloy ba kayo ni Sweet Admirer mo? Ha?'' Pangungulit na tanong ni Kyle habang naglalakad kami sa corridor. Nakaakbay pa nga yan. ''Uy imik-imik naman dyan'' Pero di ko pa din sya pinansin.
''Problemado yata'' Mahinahong sabat ni Sam na kakarating lamang sa likod namin ni Kyle.
''I LOVE YOU JC!'' Sigawan nang mga estudyante.
''Astig pre, kailan ka pa ba nagkaroon nang fans club ha? Hahahaha'' Hay napailing na lang ako sa mga nadaanan naming fans club daw sabi ni Kyle.
''Ewan ko sa'yo! Ika'y manahimik dyan!''
''WE LOVE YOU GUYS!!'' Sabay-sabay na sigaw nang mga estudyante ulit.
''Pre, oha oha kasama na kami hahahaha''Ginaya-gaya nya yung sayaw ni Enrique Gil alam nyo yun? Yung baduy? Haha Mas gwapo kasi ako dun.
''Jerk'' Mahinang sabi ko. Nakarating kami sa room at pag-upo ko agad kong itinaas ang dalawa kong paa at ipinatong sa table. Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang professor namin.
''Mr. Miguel could you please take down your feet!'' Nakasimangot na sita ng Professor sa akin. Pero di ko sya pinansin. ''Class you will be having a new classmate.'' At sinenyasan nya yung nasa labas nang pinto. ''You may now get inside Miss De Linia'' At nanlaki ang mga mata nang mga classmates namin sa magandang babae na pumasok sa room namin na according to our professor she will be our new classmate for this semester.
''T*ngn* Ang ganda mo!'' Sigaw ni Kyle na may pagtayo pa at paghampas sa table. ''Akin ka na lang'' Dagdag pa nya.
''Mr. Reyes sit down'' Saway ni prof. Umupo naman si Kyle. Tiningnan ko yung babae at inirapan lang nya si Kyle. May pagkamaldita yata. ''Miss De Linia, you may sit beside Mr. Miguel'' Napatingin sa akin lahat nang classmate ko. Ano kayang tini-tingin tingin nitong mga 'to? Lumapit sa akin si Kyle at bumulong nang..
''Hoy JC balato mo na sa akin yan may Krung-Krung ka na e. . Araay ano ba?'' Sinapok ko sya nang isa.
''Manahimik ka na nga lang dyan Kyle'' Saway ko sa kanya. Napansin ko naman na nakatayo sa harap ko yung Miss De Linia daw. Tiningnan ko sya at nakatingin naman sya sa akin nang masama at nakataas pa yung left brow.
''What?'' Pinagtaasan ko sya nang boses. Kebago-bago ang tapang.
''You don't know me yet so be nice to me. Your bag'' Itinuro nya yung bag ko na nasa chair nya. Buiset tong babaeng 'to.
''Sh*t!'' Sigaw ko. Tumayo ako at kinuha yung bag ko tapos sinipa ko yung table nya. Buiset sya. Napatulala ang mga classmates namin sa ginawa ko.
''JC hintay!'' Sigaw ni Kyle. Sumunod yung dalwa sa akin. Nakalabas na kami nang room. ''JC, ba't mo ginawa yun? Dyosa na nga makakatabi mo inayawan mo pa'' Patuloy lang sya sa pagdaldal habang naglalakad kami. ''JC liligawan ko yun ha?'' Nakarating na kami sa likod nang school. Marami ang puno dito at may playground. Nagderetso akong umupo sa taas nang isang may kababaang puno. Sina Kyle naman at Sam sa ilalim lamang naupo. Pumikit muna ako para at least mawala ang inis ko dun sa babaeng mayabang kanina.
''JC pre, gusto ko sya'' Ganun ba kalakas ang tama nya dun sa babaeng dragon na'yon?
''JC nakikinig ka ba?'' Hay akala ko ba seryoso sya kay Trish? ''Oy JC!'' Di ko na lang sya pinapansin.

BINABASA MO ANG
After Promises
Fiksi RemajaThis story has no summary yet. FOLLOW ME ON YOUR WATTPAD ACCOUNT Just open, add to your reading list, read, comment, vote, and share. Hindi ito horror yan lang ang tinitiyak ko sa inyo hahahaha. At dahil Untitled Story ito, sa mga susubaybay magco...