''Maraming maraming maraming salamat sa lahat nang tulong mo Dino. Hinding-hindi ko makakalimutan'' Pagpapaalam ni Earth kay Dino. Niyapos nya si Dino. At dahil nakatalikod si Earth at si Dino, ang sama nang tingin nya sa akin at sinabing
''Ikaw, ingatan mo 'to'' May authority ang pagkakasabi nya nang mga katagang iyon. Bumitaw na sila sa pagkakayakap sa isa't-isa.
''Kahit hindi mo sabihin, yun talaga ang gagawin ko'' Sabi ko sa kanya.
''Hindi ko yun basta-bastang sinasabi sa'yo, dahil inuutusan kita'' Seryoso ba sya? Upakan ko na kaya 'to? Kanina pa nya akong pinagmumukhang ewan ah.
''Hahaha'' Gee tumawa na lang ako.
''Seryoso ako Miguel. Alam ko ang pupuntahan nyo kaya sa oras na may mabalitaan ako, ako mismo ang maglalapat nang mukha mo sa semento nang Peru''
''Hey hey, baka mag-away pa kayo eh. Sige na Dino. Hanggang sa muli''
''Hanggang sa muli EVE. Mag-iingat ka sa kanya'' Sabi ni Dino na ikinainis nang kalamnan ko.
''Teka, anong sa akin?''
''Hep hep, tama na yan Jarred Chaix paalis na tayo oh. At tyaka don't you remember that all of these is because of Dino?''
''Tama yan'' Sabat nang mayabang na si Dino.
''Oo na, tara na nga'' Nakakasura. Naglakad na lang ako papunta sa plane entrance. Sino ba yung Dino na yun at parang napasobra naman yata ang closeness nila? Kung sila na lang kaya ang pumunta nang Peru? Haaay ewan ko. Napasabunot na lang ako sa malambot kong buhok.
''Bwiset''
''Uy'' Biglang sumulpot sa tabi ko yung nakakainis na babae eh este si Earth. ''Ba't iniwan mo naman ako dun?''
''Tsk''
''Ba't ka ba ganyan? Di ka ba happy?''
''Happy?'' Medyo napalakas yata. Kaya napatigil sya sa paglalakad.
''Ano bang problema mo? Ayaw mo yatang umalis tayo. Sige, babalik na lang ako sa San Pablo at magpapagulpi kay Jacob'' Akto syang tumalikod at naglakad nang mabagal. Hay grabe. Anong ginagawa nya?
''Uy, sorry na'' Hinabol ko sya at hinawakan ang kamay nya at hinigit pabalik.
''Eh ba't mo pa ako pinigilan?''
''Natural''
''Natural na ano?''
''Nagpapaawa ka kasi''
''Ano? Tsk. Ayoko na nga'' Inalis nya ang pagkakahawak ko sa kamay nya at nagtatakbo palayo. Hay wala akong magagawa kung di ang habulin sya. Ako pa? Ako pa ngayon ang humahabol? E ako nanga etong nasaktan ako pang masama?
''Uy Earth'' Nahawakan ko ulit ang kamay nya. Inalis naman nya yung pagkakahawak ko at naglakad muli. ''Uy, maiiwanan na tayo nang plane'' Sigaw ko. Nakakahiya sa mga tao dito. Para kaming mga batang nag-hahabulan. Yung mga tao, nag-titinginan na talaga sa amin. ''Earth, aalis na tayo''
''Umalis ka na lang mag-isa.'' Sabi nya pero nahagip ko ulit yung kamay nya and by this time mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanya.
''Kung bitiwan mo na lang kaya ako Jarred Chaix?''
''Bakit ka ba nagkakaganyan?'' Tanong ko sa kanya.
''Eh ikaw? Ba't ganyan ka? At tyaka yung mga akto mo kanina? Ano yung mga iyon ha?'' Binalik ang tanong sa akin. Ano bang pinapalabas nang babaeng 'to? Bumabalik na naman yata ang pagka krung-krung nito eh.
''Anong ako? Eh ikaw nga itong nagtatakbo palayo tapos sasabihin mong ano yung inakto ko kanina?'' Well, well. Hindi naman po kami nag-aaway nang lagay na'yan. Isipin na lang po natin na kasama ito sa isang relasyon. LQ ba? MU? Mga ganun. Pero, uhm kasi naman
'' Eh talaga naman. Nag-uusap kami ni Dino pero parang ahh basta''
''So yung Dino na naman? Kulang pa ba yung pag-uusap nyo kanina? Ano ha? Gusto mo sya na lang isama mo tutal sa kanya naman nanggaling yang mga tickets na yan'' Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Nakakainis eh.
''What? Ano bang masama kung mag say good bye ako sa kanya?''
''Ewan ko sa'yo'' Umalis na lang ako. Naagaw na kasi namin ang atensyon nang karamihan. Napaka insensitive nya. Hindi ba sya nakakahalata? Hindi ba nya napapansin? Wala ba syang nararamdaman? Hindi ba nya maintindihang
''Ano ba kasing'' Hindi ko na sya pinatapos pang magsalita. Hinarap ko sya at sinabing
''Hindi mo ba maintindihang Nag-seselos ako?''
0______0
What did I say?
In front of the public?
Ow men! That was EPIC.
Naramdaman ko na lang ang pag-kabog nang dibdib ko. Ang ramdam ko kasi lahat nang tao ay nakatingin sa akin. Kaya naman napayuko ako sa sobrang kahihiyan. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at tumalikod kay Earth. Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko pero di ko maigalaw. Parang nawalan nang koneksyon ang utak at mga paa ko. Nanatili akong nakapikit hanggang sa maramdaman ko ang mainit na kamay na nakadampi sa aking mga pisngi.
Ayokong imulat ang mga mata ko. Nakakahiya sa kanya. Ang bading ko kasi.
''I'm sorry Jarred Chaix'' Hindi ko inaasahan ang pag-hingi nya nang tawad. Ewan ko ba. Pero parang wala naman syang dapat ikahingi nang kapatawaran ko. Pero at that time din, iminulat ko na ang aking mga mata. Nakita ko ang mga matang malamlam. ''Hindi ko alam Jarred Chaix''
''Ihhh Isang kiss lang 'yan'' Sigawan nang mga tao na noon ko lang napansin na maliit na lang pala ang espasyo na aming ginagalawan. ''Kapag hindi nyo pa ginawa nakow maiiwanan na kayo nang eroplano'' Nagkatinginan kami ni Earth at napangiti. Ewan ko ba kung paano nangyare pero naramdaman ko na lamang ang pag-gaan nang pakiramdam ko. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at nahawi ang mga tao at sabay kaming tumakbo papunta sa bagong yugto nang aming buhay.
Dito na ba matatapos ang lahat?
Magiging masaya na kaya kaming dalwa ngayong makakatakas na kami sa mga taong gusto kaming pag-hiwalayin?
Sana, ito na ang huli at simula nang pag-babago.

BINABASA MO ANG
After Promises
Novela JuvenilThis story has no summary yet. FOLLOW ME ON YOUR WATTPAD ACCOUNT Just open, add to your reading list, read, comment, vote, and share. Hindi ito horror yan lang ang tinitiyak ko sa inyo hahahaha. At dahil Untitled Story ito, sa mga susubaybay magco...