''May date kayo sa Saturday ng Sweet Admirer mo?'' Sigaw ni Kyle at may pagtayo pa at pagpalo sa lamesa. Ang OA maka-react. Feeling sya ang makikipagdate. Psh
''Suntukin kaya kita JC para humiwalay sa'yo yang kaluluwang ligaw'' Sabat naman ni Sam.
''E kung mukha mo kaya ang basagin ko huh?''
''Haha wag JC, so ano nang plano mo?'' Hayst! Ayoko ngang mag-isip at tyaka sino sya para paghandaan ko? Nakakahiyang kasama.
''Wala'' Plain kong sagot sa kanila.
''JC kung angkinin mo kaya'' Nabilaukan ako sa sinabi ni Sam. ''Oh bakit naman nabilaukan ka dyan? Babae pa rin yun''
''Hoy kung sya lang din ang gagahasain ko wag na lang'' Rated SPG ako dito eh.
''Grabe ka JC, sya ako na lang pwede?'' Sagot ni Sam sa akin. Aba e ke bata-bata nun papatulan nya? Nasisiraan na talaga.
''Kaya mo bang gawin yun?''
''Oo naman Pre, cute naman si Sweet Admirer mo, kaya pwede na din. Tutal wala si Erish mamayang gabi.''
''Tigilan mo nga yang kamanyakan mo! Bata pa yun'' Sabi ko sa kanya.
''Naku, baka naman sinasabi mo lang yan kasi gusto mo sa'yo lang sya'' Nabilaukan akong muli sa sinabi nya. Ang itsura pa nang mukha nya parang 60 year-old-man na manyakis. Kumikindat-kindat pa. ''Ano ba naman yan pre? Tubig lang yan nabibilaukan ka pa? Eh samantalang alak ang sumusuko sa'yo'' Paliwanag ni Sam. Ang daldal. Ano kayang pinakain dito nung baby pa? Nako baka yung P*** ng baboy? Hala R-SPG na talaga ako.
''E kung ano-ano kasing pinagsasasabi mo dyan.''
''Pre, guilty'' Mahinahong sabat naman ni Kyle. Tiningnan ko sya nang masama.
''Anong guilty? Hindi kaya!''
''Pre, tatangge pa? E huli na?'' Pang-asar nyang sagot.
''Kyle stop making funny jokes that are non-sense''
''Club tayo mamaya?'' Pagyayaya ni Sam.
''Count me in'' Sabi naman ni Kyle. ''JC pare, ikaw?'' Nag-isip muna ako. Parang ayoko muna kasing mag-club ngayon. Trauma pa ako sa nangyari 5 months ago. Dun din kasi nag-start ang kalbaryo ko sa babaeng Krung-Krung ang pangalan. Gusto nyo bang malaman kung paano kami nagkakilala ni Krung-Krung?
Ganito kasi yun.
Flashback
''JC, pare inom pa!'' Sinalinan pa ni Kyle ang baso ko nang alak. ''Hey girls come here'' Tawag nya sa mga call girls. Agad naman silang nagsilapitan. Yung dalwa umupo sa lap ni Kyle. Yung dalwa kay Sam at lumapit sa akin yung natirang isang call girl. Maganda naman sya at sexy. Nag-iinuman kami habang may kanya-kanyang babae na humahaplos sa magaganda naming katawan. Di ko na napigilan ang sarili ko na halikan ang babaeng kasalukuyang nakaupo sa harapan ko. Nasa VIP room kami, pang-mayaman. Hanggang sa inaya ko na syang lumabas. Nakapulupot pa rin sya sa aking pagkakahalik. Malapit na kami sa may Exit nitong club nang napabitaw sya sa akin at hingal na hingal. Nang makalabas kami hinila ko agad sya papunta sa kotse ko. Di pa man kami nakakapasok hinigit nya agad ang collar nang damit ko at agad akong hinalikan. Habang naghahalikan kami...
''Tulong!!!!!'' Sigaw nang isang batang babae. Nakauniform pa sya. Kaya naman agad akong napahiwalay nang halik sa babaeng kasama ko. Nakita kong dalwang lalaki ang pilit na isinasama ang isang high school student. Nagpupumiglas sya pero di nya kaya ang lakas nang dalwang lalaki. Agad akong tumakbo para sana tulungan yung bata. Nang makalapit na ako..
''Hoy! Bitawan nyo sya!'' Sigaw ko sa dalwang malaking lalaki. Malaki pala sila sa malapitan pero hindi ako nagpatinag.
''Wag kang makialam, balikan mo na lang yung kasama mo'' Sabi nung balbas sarado.
''Tigilan nyo na lang sya mga pare'' Sabi kong muli sa kanila. Pero di nila ako pinansin bagkus pinagpatuloy nila ang pag-higit nila sa bata. Kaya naman hindi na ako nagdalwang-isip pa't sinugod ko na agad sila.
''Sinabi nang bitawan nyo siya'' Sigaw ko sa kanila. Hinigit ko yung isa sa collar nang damit nya at saka binigyan nang isang malakas na suntok. Susuntukin na ako nung isang kasama pero agad ko syang sinipa sa tyan at sa kaliwang tuhod na ikinaluhod nya. Hinigit ko yung kamay nung bata at nagtatakbo. Lunod ako sa alak nang mga oras na'yon pero alam ko ang ginawa ko. Nagligtas ako nang buhay nang isang high school student.
Nang makalayo na kami huminto na kami sa pagtakbo. Hingal na hingal kaming dalwa. Nagulat na lang ako nang bigla nya akong yakapin. Yakap na mahigpit. Sa yakap nyang iyon ramdam ko ang takot at kaba na bumabalot sa kanya sa oras na ito. Ang tibok nang kanyang puso, tila walang hinto sa pagtakbo. Mabilis pero di dahil sa ginawa naming pagtakbo kanina. At sa unang pagkakataon, narinig ko ang kanyang..
''Maraming salamat sa'yo''
End of Flashback
Dun ko sya unang nakilala. Actually, nagsisisi akong tinulungan ko sya. Di ko naman alam na ganito ang mangyayari. Na susundan at susundan nya ako saan man ako magpunta. Ewan ko nga kung paano nya ako nahanap. Ni hindi ko nga ibinigay ang pangalan ko sa kanya. Nagulat na lang ako isang araw, may pumasok sa room na isang high school student nitong EVE College University-Pangalan nang school namin. Hinahanap ako. Nagulat na lang ako nang mamukaan ko yung bata. Sya yung tinulungan ko. Nagtataka lang ako kung paano nya ako nahanap. Paano nya nalaman ang exact name ko? Yung room, section, at yung course ko. Di kaya may lahi syang mangkukulam? Tapos simula nun di na nya ako tinantanan. Para akong aso at sya ang buntot ko.
''Hoy JC, day dream?'' Tinapik ni Kyle ang balikat ko na ikinagising nang diwa ko. ''Ayos ka lang? Kanina ka pa naming kinakausap oh'' Paliwanag nya. ''Ano? Sasama ka ba mamaya?'' Muling tanong nya. Sige na nga matagal na panahon na din yun. Siguro naman wala akong makikilalang isa pang Krung-Krung. Kasi sa kanya palang Quota na ako.
Nagpunta kami nang club. Tulad nang dating gawi. Umorder nang alak at kwarto syempre di pwedeng mawala ang babae. Para sa akin, ang babae ay isang walang kwentang bagay na kahit kailan di ko magawang bigyan nang halaga. Isang laruan. Basura.
Paulit-ulit lang ang mga nangyayari. Alak-babae. Tapos nun umuwi agad ako. Iniwan ko ang kotse ko sa club. Bukas ko na lang kukuhanin. Pagdating na pagdating ko pa lamang sa kwarto ko, nahiga agad ako sa kama ko at doon naglaho ang lahat sa paningin ko.

BINABASA MO ANG
After Promises
Fiksi RemajaThis story has no summary yet. FOLLOW ME ON YOUR WATTPAD ACCOUNT Just open, add to your reading list, read, comment, vote, and share. Hindi ito horror yan lang ang tinitiyak ko sa inyo hahahaha. At dahil Untitled Story ito, sa mga susubaybay magco...